^

PSN Opinyon

Disiplina sa sarili, pairalin ngayong Undas

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

GINUGUNITA natin ngayon ang Araw ng mga Patay o Undas. Marami sa atin ay nagpupunta sa sementeryo upang magtirik ng kandila at mag-alay ng bulaklak sa iba­baw ng puntod ng mga mahal nila sa buhay at siyem­pre hindi mawawala ang kanilang mga baon, nagkaka­inan, inuman at kantahan sa sementeryo. Nagiging reunion ang araw na ito ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan. Ang mga taong abala sa trabaho ay minsan lang nagkikita sa buong taon tuwing dadalawin lamang ang mga mahal sa buhay.

Para sa akin ang Undas ay taimtim na okasyon. Ipinagdiriwang namin ito ng aking pamilya ng simple, pupunta sa simbahan at ipagdarasal ang kaluluwa ng aming mga yumao at nagtutulos na lamang kami ng kandila sa aming munting grotto. Hindi na kami nagpupunta ng sementeryo upang makipagsiksikan sa maraming tao. Puwede naman nating gunitain ang Undas sa sarili nating pamamaraan di ba? Ang mahalaga naman ay hindi natin sila makakalimutang ipagdasal.

Pagkatapos ng Undas, malaking problema ang ma­kikita sa sementeryo. Ang mga kababayan nating nagkainan sa sementeryo ay iniwan na nila ang kanilang mga basura. Hindi ko sinasabing tuwing Undas lang nang­yayari ito dahil kamakailan lamang nagdiwang din ng ani­bersaryo ang Jesus is Lord Movement ni Bro. Eddie Villa­nueva at tone-toneladang basura rin ang iniwan nila.

Sa higpit ng kampanya ng mga mayors sa basura lalung-lalo na sa Metro Manila kung bakit hirap silang sugpuin ang mga taong balahura sa pagtatapon ng basura. Naalala ko tuloy ang yumaong diktador Ferdinand Marcos, ayon sa kanya “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan”. Tama naman di ba? Tulungan natin ang gobyerno na linisin ang ating bansa.

Dapat nating sundan ang sinabi ni Marcos, sapagkat masyado tayong burara. Isang dahilan ‘yan kaya hirap tayong umangat. Kulang na kulang tayo sa disiplina sa ating mga sarili.

vuukle comment

ARAW NG MGA PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with