^

PSN Opinyon

Ilegal na pangingisda labanan ng teknolohiya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SALOT sa buong mundo ang ilegal, hindi nauulat, at hindi nababantayang pangingisda. Ginagawa ‘yon sa lahat ng dagat, ng mayayaman at mahihirap na bansa. Tinata­yang 11-26 milyong tonelada ng taunang huli ay ilegal, dagdag sa 90 milyong tonelada ng legal na pangingisda sa laot. Kung hindi masasawata ang maling gawain, ma­uubos ang isda sa mundo nang hindi nababantayan ng mga international organizations.

Teknolohiya ang panlaban sa ilegal na pangingisda. Pinapanukala na obligahin lahat ng barkong sibilyan sa mundo na magkaroon ng beacon bago lumayag sa karagatan. Pangunahing pakay ng beacon na malaman ng bawat barko ang kinaroroonan ng iba, para hindi magkabanggaan.

Pero pakay din ng beacon, sa pamamagitan ng satellite monitoring, malaman ang kilos ng bawat barko. Mababatid ng satellites kung ang barko ay inosenteng nangangalap at naghahatid ng kargamento sa iba’t ibang kontinente, bansa, at siyudad. Makikita rin kung nag-iikot ito sa laot para manghuli ng isda nang walang pahintulot ng nakakasakop na gobyerno o international organization.

Pati ang paglilipat ng huling isda sa refrigerated ships at kung saan sila dadaong para magbenta ng kontrabando ay masisilip. Irereport sila sa mga pinanggalingan o pinanghimasukang bansa. Ipahuhuli sila agad sa mga coast guard. Iuulat kung naparusahan ang mga magna­nakaw na crew at kompanya.

Mainam ang binabalak na teknolohiya. Maipapaskel sa social media ang satellite images. Matitindi ang kapabilidad ng satellite cameras: sa linaw ng resolution, ka­yang basahin ang pangalan at makilala ang mukha ng mga kriminal. Mabibisto ang mga barko at kompanyang nangingisda nang ilegal. Mababatid din kung anong mga gobyerno ang nagkukunsinti. Wala nang maitatago kung magkasundo ang mundo kontra sa gawaing nakakasira sa mundo.

vuukle comment

ILLEGAL FISHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with