^

PSN Opinyon

‘Di siya Arabo pero ang lupit ng amo ko, Sir!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PANANADYAK, pananampal, pangangalmot, pamamalo sa ulo. Eto ang ilan sa mga uri ng pananakit na nararanasan ng mga Pinay household workers sa Middle East. Hindi na ito bago sa amin. Sa araw-araw na serbisyo publiko ng BITAG-KILOS PRONTO Action Center, ganito ang natatanggap naming sumbong ng mga kababayan nating nangangamuhan sa bansa ng mga Arabo.

Ganito rin ang sumbong ng senior citizen na si Nanay Basilisa. Nangangamuhan sa isang Pinay sa Alabang. Aniya, napakalupit ng kanyang amo. Sa loob ng dalawang taon niyang paninilbihan, sipa, batok, kalmot at pambabato ng mga plato, kutsara, tinidor at kung anu-ano pa ang kanyang sinapit. Nakakalungkot, hindi mabantot na Arabo ang kanyang amo, isang Pinoy, sariling kababayan ang inaabuso.

Pero sa kuwento ni Nanay Basilisa sa mga inaasal ng kanyang employer, hindi iyon gawain ng isang taong nasa matinong pag-iisip. May mga karamdamang hindi nasusuri agad ng eksperto o kaya naman karamdamang lumalabas na sa kanyang edad. Maaaring ganitong klase ang amo ng nagrereklamong senior citizen.

Natatawa man ako habang kinukuwento ng pobre kung paano siyang tinadyakan sa likod habang pinupulot ang bag ng amo, naaawa ako sa kanyang kalagayan lalo na sa edad niya. Aniya, Sir tinadyakan ako sa likod, ganito oh…tsk tsk tsk, ang mga ganitong klaseng amo ang di dapat bigyan ng karapatang makakuha ng kasambahay. Ang dahilan ng paglapit ni Nanay Basilisa sa BITAG-KILOS PRONTO, makakuha ng danyos sa mga ginawang pagmamalupit ng kanya.

Ayon sa aming resident lawyer na si Atty. Batas Mauricio,  nasasaad sa Republic Act 10361 o “Kasambahay Law” ang karapatan ng mga kasambahay na tratuhin ng may paggalang mula sa kanyang amo o pamilya nito. Mahigpit na pinagbabawal sa mga amo o pamilya nito na gawan ng pananakit ang kasambahay o anumang uri ng pananakit o pang-aabuso. Magkakaroon ng pananagutang pang­kriminal na may kinalaman sa physical injury ang amo o sinumang manakit sa mga kasambahay. May nakalakip ding danyos ang pagmamalabis sa bawat kasambahay.

Ibig sabihin, malaki ang laban ni Nanay Basilisa at sa tulong ng tanggapan ni Atty. Batas, makikipag-ugnayan kami sa Home Owners Association ng isang eksklusibong subdivision sa Alabang para mapatawag ang amo. Sa tulong ng HOA, kailangang maipatigil ang pag-eempleyo ng inirereklamong amo. Sa ganitong paraan ay masisilip din ang kalagayan ng iba pang kasambahay na natitira sa bahay ng amo.

vuukle comment

PINAY HOUSEHOLD WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with