^

PSN Opinyon

Action speaks louder than words

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGAGALAK ako para sa ating kaibigan at health colum­nist ng PS NGAYON na si Doc Willie Ong dahil lagi siyang nangunguna sa mga senatorial surveys sa social media. Kahit halos wala siyang press release para itulak ang kanyang popularidad, dinadala siya ng kanyang mga isinasagawang medical missions kasama ang kanyang beau­tiful doctor-wife na si Liza.

Nakatutuwa hindi lang dahil kapamilya natin siya dito sa Star Media Group kundi alam kong very deserving siya dahil sa sinseridad ng kanyang adbokasiya na isulong ang pangangailangang pangkalusugan ng mga Pilipino.

And please take note, maraming taon na niyang isina­sagawa ang pagtulong sa mga mahihirap na nanganga­ilangan ng medical care kahit noong hindi pa dumadapo sa isip niya ang pagpasok sa politika. Katunayan, minsan ay binibiro ko siya na pihong mananalo siya kapag tumakbo sa anumang posisyon. Malutong na tawa lang ang sagot niya.

Taumbayan lang ang nag-udyok sa kanya para pasukin ang masalimuot na mundo ng politika.

Parang kailan lang nang tawagan niya ako sa telepono para mag-apply na kolumnista. Nagkataon namang former classmate pala siya ng ating CEO na si Miguel Belmonte kaya naging madali na mabigyan siya ng slot na kabilang sa mga kolum na paboritong basahin ng ating mga mambabasa.

Noon pa ma’y nagtataka ako kung bakit para sa isang taong  gumugol ng “blood, sweat,  tears ang money” sa pag-aaral ng medisina ay gugugulin ang buhay sa paglilingkod nang libre sa mga dahop nating kababayan. Ngunit iyan talaga ang ginagampanan niya kasama ang kanyang butihing kabiyak.

Sa isang pinakahuling on-line survey na ginawa ng CinEmotion Digital Films,  number one siya sa hanay ng mga pinapaborang senatorial candidate ng mga respondents kasunod lamang sina Bong Go, Bato dela Rosa, Imee Marcos­, Pia Cayetano, Harry Roque, Larry Gadon, Cynthia Villar, Francis Tolentino, Raffy Alunan, Sonny Angara at JV Ejercito, ayon sa pagkakasunud-sunod.

vuukle comment

WILLIE ONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with