^

PSN Opinyon

Mga kampanang Balangiga pinasosoli ng Pilipinas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TINANGAY ng U.S. Army ang tatlong kampana ng simbahan ng Balangiga, Samar, matapos mapatayan sila ng 36 na sundalo nu’ng ika-28 ng Setyembre 1901. Tinuturing nila itong war booty, o gantimpala mula sa labanan. Isa rito ay nasa entrada ng U.S. Army base sa Cheyenne, Wyoming. Naka-display sa museo sa loob ang ikalawa. Ang huli ay nasa bungad din ng detachment nila sa Korea.

Para sa mga Pilipino ang mga kampana ay pribadong pag-aari ng simbahan. Simbulo rin ito ng kagi­tingan ng mga rebolusyonaryo laban sa kolonyalistang Amerikano nu’ng 1901. Linusob nila ang kumpanya ng hasang-hasang mga sundalong de-riple. Sibat, gulok, at bambo lang ang dala-dala ng mga Pilipino. Sa paghihiganti, pinapatay ni Col. Jacob Smith ang lahat ng lalaki sa Samar na maaring magbitbit ng armas, edad-10 pataas. Sinunog ang mga kabahayan at taniman. Winasak­ ang Samar.

Nu’ng 1996 sinikap ni noo’y-President Fidel Ramos na mabawi ang isa man lang sa tatlong kampana. Mag-iisang-daang taon na noon ang Republika sa 1998. Ang ganda sanang simbulo ng kalayaan, at pagkakaibigan ng America at Pilipinas, kung maisoli ang kampana. Pero nilinlang ng mga Amerikano si Ramos, na gra­duate ng U.S. Military Academy sa West Point. Pina­asa siya sa wala.

Nu’ng 2017 State of the Nation niya isinigaw ni President Rodrigo Duterte na isoli ng America ang pag-aari ng Pilipinas. Malimit niyang murahin ang mga Amerikano dahil sa pagkolonya sa Pilipinas.

Ngayon ay nag-anunsyo ang U.S. State Department at ambassador na isosoli ang tatlong kampana. Payag na umano ang U.S. Army, sa ngalan ng pagkakaibigan, at aasikasuhin umano ito ng Defense Department. Problema na lang daw ang U.S. Congress kung pahihintulutan ang pagsoli, at ng mamamayan ng Wyoming. Nanloloko na naman ba sila?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BALANGIGA BELLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with