^

PSN Opinyon

Rice Cartel: ‘Hebigas’ na problema ng bansa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PAG-AALIS sa import quota sa bigas na papalitan ng pag­papataw ng taripa (tarrification) ang remedyo ng gob­yerno para solusyunan daw ang naglulubhang  problema sa kakulangan ng bigas.

Pero habang naririyan ang mga cartel sa bigas at mga smuggler, kahit pa may tarrification, hindi malulutas ang suliranin.

Tumpak ang sinabi ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos. Aniya, dapat “purgahin” ang mga importador at mangangalakal ng bigas sa mga smugglers, economic saboteurs, hoarders at yung mga hindi nagba­bayad ng tamang buwis.

Nasa sirkulasyon pa rin at namamayagpag ang mga rice cartel na kumukontrol sa takbo ng importasyon ng bigas at distribusyon ng naturang kalakal. Kahit anong batas sa taripikasyon ng bigas ang mabuo, hindi titigil ang mga iyan. Drastikong hakbang ang kailangan tulad ng pagbawi sa lisensya ng mga tiwaling rice importers na bahagi ng cartel.

At bakit nakapagpapatuloy ang operasyon ng mga ito sa kabila ng babala ng pamahalaan? Sapagkat nakikipagsabwatan sa mga ito ang ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan at kawani, dagdag ni Gov. Marcos na tatakbo sa pagka senador sa darating na midterm elections.

Kakatwa na wala sa front page ng websites ng NFA, Bureau of Plant Industry, Bureau of Customs, DTI ang talaan ng mga lisensyadong rice importers. Ang mga naturang ahensya ang tagapag-ingat sa listahan ng mga rice importers. Sa pamamagitan ng mga ito’y mabubunyag ang mga kalokohang pinaggagawa nila sa kani­lang mga transaksyon. Kaya hinihingi ng gobernadora ang full disclosure ng mga listahang ito ng mga rice importers para magkaalaman na kung sino ang dapat papanagutin sa nangyayaring rice shortage sa bansa.

vuukle comment

RICE

TARRIFICATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with