^

PSN Opinyon

Palpak si Dok

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito ng medical malpractice ng doktor, anesthesio­logist at ospital dahil sa kapabayaan nila sa pag-alaga sa pasyente. Ipapaliwanag dito ang ibig sabihin ng “res ipsa loquitur” o ang mga bagay o transaksiyon mismo ang nagpapatunay kung may kapabayaang nangyari.

Ito ay tungkol kay Marta, isang 47 anyos na misis. Mala­king babae siya at kasal kay Ramon, isang telecommunications executive at may tatlong anak na lalaki, sina Romy, Ray at Randy. Normal siyang babae maliban sa nararamdamang konting sakit ng katawan. Nang magpasuri ay pinayuhan siya na sumailalim sa operasyon para tanggalin ang bato sa gall bladder o lapay. Sumailalim siya sa mga eksaminasyon tulad ng blood at urine test. Nang makitang malusog at puwedeng magpaopera ay nagtakda na sila ng schedule ng operasyon.

Nung araw ng operasyon ay pumunta si Marta sa ospi­tal at nilagay ang sarili sa pangangalaga ni Dr. Losada, ang doktor na mag-oopera sa kanya at sa pangangalaga rin ni Dr. Cruz, ang anaesthesiologist na inirekomenda ni Dr. Losada. Noong araw na iyon ay nasa maayos na pa­nga­­ngatawan si Marta. Handa ang isip at katawan niya sa gagawing operasyon. Iyon nga lang at nahuli ng tatlong oras si Dr. Losada at masaklap pa ay habang sinasaksakan ng anesthesia bago operahan, nagkaroon siya ng brain damage dahil nawalan ng oxygen ang utak sa loob ng apat hanggang limang minuto. Dinala siya agad sa ICU o intensive care unit kung saan naglagi siya ng apat na buwan. Gumagastos ng ?8,000.00 kada buwan si Ramon para lang manatiling buhay ang misis. Nang mailabas na siya ng ospital ay kailangan pa rin ng patuloy na gamutan dahil nga nagkaroon siya ng brain damage.

Kaya nagsampa sa RTC si Marta, Ramon at kanilang mga anak ng reklamo para sa danyos laban kina Dr. Losada, Dr. Cruz at sa ospital. Si Ramon at ang kapatid na babae ni Marta na si Caridad, isang Dean sa College of Nursing sa ibang ospital na naroon din sa operasyon, ang tumestigo para patunayan ang kanilang reklamo. Itinanggi nina Dr. Losada, Dr. Cruz at ng ospital na nagkaroon ng kapabayaan at ang brain damage raw ay resulta lang ng allergic reaction sa gamot (anesthetic agent).

Matapos ang paglilitis pinaboran ng korte sina Marta at Ramon. Nagkaroon daw kasi ng kapabayaan sina Dr. Losada, Dr. Cruz at ang ospital sa kaso ni Marta. Pinagbabayad sila ng danyos (actual, moral, exemplary at attorney’s fees) sa kabuuang halaga na ?1,732,000.00.

Nang umapela ay binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC at ibinasura ang reklamo. Pero binaliktad din ng Supreme Court ang desisyon ng CA. Ang sabi ng SC, kahit karaniwang testimonya ng isang eksperto ang kailangan para sabihin na may malpractice ang isang doctor, ginagamit lang daw ito kung talagang sa larangan ng medisina nakasalalay ang isyung sasagutan at hindi pangkaraniwang masasagot. Sa kasong ito ay ang doktrina ng “res ipsa loquitur” ang magagamit para maipakitang nagkaroon ng kapabayaan.

Sa doktrinang ito nakasaad na ang karaniwang kaalaman at karanasan ang magtuturo sa atin na ang nangyaring trahedya ay hindi mangyayari kung nag-ingat at hindi nagpabaya. Hindi makuhang kontrahin ng mga doktor ang katotohanang kapalpakan nila ang naging sanhi ng kaawa-awang kalagayan ni Marta. Nagpabaya si Dr. Cruz dahil habang sinasaksak ang anesthesia ay hindi niya nailagay ng maayos ang tubo base sa testimonya ng hipag ni Romy na si Caridad na isang nurse.

Ang mga doktor na mismo ang umamin na hindi maganda ang paglalagay ng anesthesia noong una kaya kailangan pa na tumawag ng ibang anesthesiologist. Si Dr. Losada rin ay nagpabaya dahil hindi niya inalam kung tama ang ginawa ng kanyang anesthesiologist na si Dr. Cruz. Isa pa ay tatlong oras siyang nahuli sa operasyon. May pananagutan din ang ospital dahil hindi ito kumilos ayon sa dapat na pangangalaga ng isang padre de pamilya sa kanilang pagtanggap at pagbabantay sa ginagawa ng kanilang mga doktor at empleyado. Sila ang may kapangyarihan para tanggapin at tanggalin ang mga ito. Si Ramon at Marta pati ang kanilang mga anak ay dapat lang bayaran ng danyos na may ?5,402,000.00 (Ramon etc. vs. Court of Appeals et. al., December 29, 1999).

vuukle comment

ANESTHESIO­LOGIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with