^

PSN Opinyon

May problema sa Capiz

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKABANGON na ang Capiz na tinaguriang “Seafood capital of the Philippines” matapos salantain ng Bagyong Yolanda noong Nob. 8, 2013. Lahat nang kabahayan noon na winarat ni Yolanda ay bago na ngayon, kapansin-pansin ito mula sa pagbaba ng eroplano sa Roxas City Airport. Mga bago na ang mga gusali sa Roxas City at nagsulputan na rin ang mga investor kung kaya ang kalakalan doon ay masasabing di na nalalayo sa pag-asenso ng Metro Manila. Subalit may dapat pang pag­tuunan ng pansin ang mga magagaling na local executives doon. Ang tinutukoy ko ay ang Bailan District Hospital sa Bgy. Bailan, Pontevedra, Capiz na kulang ang doctors, hospital staff at pasilidad.

Nitong mga araw ng aking bakasyon dahil kasal ng aking anak na si Bernardo Batuigas Jr. at Lysyl Burgos, samu’t saring reklamo ang aking natanggap. Sa totoo lang ang mga Capezeno ay may pagkakaisa. Nang hagupitin sila ng Bagyong Yolanda nairaos nila ang pagkalugmok ng kabuhayan at kalam ng sikmura. Alam ko, dahil ako ka­una-unahang mediaman na nakarating sa bayan kong sinila­ngan matapos hagupitin ng Bagyong Yolanda. Dito kasi nakatira ang aking ina na si Hortencia Batuigas, 83. Kaya to the rescue agad ako upang masiguro ang kanyang kaligtasan. Winasak ng bagyo ang aming bahay. Sinaklolohan ang aking ina ng aming mga kamag-anak. Mahirap ang komunikasyon noon kaya hindi agad nakaabot sa national government ang sinapit ng Capiz. Mas nauna pang dumating ang ayuda ng Canadian government kaysa gob­yerno natin.

Ang hiling ng mga tagaroon ngayon ay ang tungkol sa Bailan District Hospital na mabigyan ng bagong pasilidad at kagamitan upang ang mga pasyente ay hindi na kaila­ngan pang dalahin sa mga pribadong ospital sa Roxas City. Tinatawagan ko si Health secretary Francisco Doque na bisitahan ang Bailan District Hospital para makita ang kalagayan. Maging ang widening ng mga highway sa buong lalawigan ay putol-putol ang construction dahil iniwang nakatiwangwang ng contractors. Ang serbisyo ng Pontevedra water district ay napakasama sapagkat hindi mainom ang tubig kaya sa balon kumukuha ng tubig ang aking mga kababayan. Maging ang Capiz State University (CAPSU) ay may pangangailangan din sa pondo para madagdagan ang kanilang mga gusali at makapag-hire ng profesors upang mapaunlad ang edukasyon doon.

* * *

Pinasasalamatan ko ang mga kamag-anakan ni Lysyl na bumubuo sa Burgos, Bendicio, Dadivas at Villa Families at sa side naman ng aking anak ay ang Batuigas, Millona, Bulan at Bordo families na tumulong na maging maayos at masaya ang kasal hanggang sa reception. Ipinaabot ko rin ang pasasalamat sa mga ninong at ninang nina Bernardo Jr at Lysyl Batuigas. Nagkita kami ni Dr. Edgar Villa na dati kong teacher sa Agriculture, makalipas ang 40 years. Dumalo siya sa kasal ng aking anak. Marami akong ibibida at tips sa inyo mga suki tungkol sa kaalaman ni Dr. Villa sa mga sususunod kong Banat. Abangan!

vuukle comment

SEAFOOD CAPITAL OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with