^

PSN Opinyon

Todas sa rambol(Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG sabi ng SC, tama raw ang RTC kahit may kaun-ting pagkakamali o hindi sa pagkakatugma ng mga salaysay ng mga testigo dahil sa bilis ng insidente at sa iba’t ibang nakita nila. Maaaring napansin ng isang testigo ang isang particular na bagay pero hindi ito nakita ng iba. Kung tutuusin ay maaari pa na sabihing sobrang planado  ang mga testimonya kung sobrang pare-pareho o magkakatugma ang kanilang salaysay. Sa kasong ito, positibong namukhaan ng mga biktima ang mga akusado dahil nakilala nila nang matanggalan ng takip sa mukha o dahil hindi pa sila nakapagsuot ng takip.

Batay sa karanasan ng tao, pipilitin ng biktima na siyang eyewitness sa krimen na makahanap ng paraan para makilala niya ang salarin kung sakali at mabuhay  at makaligtas siya para lang mahuli ang mga akusado. Natural na reaksyon ng biktima na tingnan ang mukha at obserbahan ang paraan kung paano ginawa ang krimen. Madalas na nakatatak sa isip ng biktima ang mukha ng criminal at ang kanyang mga pagkilos. Hindi basta mabubura sa utak nila ang mga mukha ng umatake sa kanila. Ordinaryo lang din na malaglag ang takip sa mukha nila nang magkagulo.

Idagdag pa na kaya lang ipinawalang-sala ang ibang akusado ay matapos lang magpag-aralang mabuti ang ebidensiya. Tama rin ang naging hatol ng korte na normal lang ang kaunting pagkakamali at di pagkakatugma sa mga sinabi o sinalaysay ng mga testigo sa korte dahil walang taong perpektong matatandaan ang lahat ng kanyang nakita o naramdaman.

Isa pa, kahit na sabihing puwede lang tumestigo ang eyewitness tungkol sa kanyang personal na nakita, ang mga sinabi niya bago nangyari, habang nangyayari at pagkatapos mangyari ang krimen ay puwedeng tanggapin na ebidensiya bilang parte ng tinatawag na “res gestae” o mga sirkumstansiya, detalye at katotohanang mula sa nangyari.

 (People vs. Feliciano, Jr. Medalla, Soliva, Zingcapan and Alvir, G.R. 196735, May 5, 2014).

vuukle comment

JOSE C. SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with