^

PSN Opinyon

Walang kalaban

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

TIYAK na ang panalo ng tatlong anak ni President Duterte sa magkaibang local posts dito sa Davao City para sa 2019 elections.

Tanging si Magdaleno Marcellones ang nagkaroon ng lakas ng loob na kalabanin si Presidential daughter at incumbent mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang reelection bid.

Si Marcellones ay naging kandidato na sa pagka-mayor dito sa Davao City sa maraming nagdaang halalan na. At kahit na nga wala siyang kapasidad na required ng Commission on Election para maging kandidato sa lokal na posisyon, hayun siya at walang sawang nagfa-file ng certificate of candidacy.

Naging kalaban na niya noon sa larangan si President Duterte at ngayon ang anak na si Sara naman para sa pagka-mayor ng Davao City.

At may dalawa namang kumakalaban kay Presidential son Paolo sa pagtakbo bilang first district Representative ng Davao City --- sila ay sina Susan Uyanguren, 43, isang fruit packaging worker, at si  Rex Labis, 53, isang businessman.

At ang bunsong anak ni President Duterte na si Se­bastian o higit na kilala as “Baste”, bilang running mate ni Sara. Unopposed si Baste sa kanyang pagtakbo bilang vice mayor. 

Kung tutuusin ay sigurado na nga ang panalo ng tatlong magkapatid na Duterte. 

Ngunit sinagot naman ni Sara ang batikos na na-ging “political dynasty” na ang kinalabasan ng pagtakbo nilang tatlo. 

Sinabi ni Sara na kahit ganun pa man ang pagtingin ng madla na ito nga ay political dynasty, sila ay sumasailalim naman sa democratic process at nagpapahalal naman silang magkapatid sa desisyon ng mga Davaoeño kung iboboto sila o hindi.

Hindi naman kaila ang matagal na ring namamayagpag ang mga Duterte dito sa Davao City simula pa noong naging mayor si President Rody dito na umabot ng 23 taon maliban pa sa one term each as vice mayor and first district Representative siya noon sa magkahiwalay na panahon. 

Ang sitwasyon ngayon ay muling inihain ng mga Duterte sa mga Davaoeño ang kanilang serbisyo bilang local officials dito.

Ang sagot ay nasa kamay ng mga Davaoeño pa rin.

vuukle comment

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with