^

PSN Opinyon

Mall at online shopping, nagsimula na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAPALAPIT na ang Undas, kaya nararamdaman na ang matinding trapik. Sa kabila ng mga naghahanda para sa isa na namang mahabang bakasyon, marami na rin ang nagsisimulang mamili para sa Pasko. Ibig sabihin, marami na ang nagtutungo sa mga mall. Ang ibang mall ay nagsimula nang habaan ang oras ng kanilang operasyon.

 

Nakikiusap nga ang MMDA sa mga mall na makipag-ugnayan sa kanila nang mabuti kung gagawa ng mga midnight sale, partikular sa mga mall sa EDSA, para maayos nila ang daloy ng trapik. Sa EDSA lang ay may 16 na mall, kaya isipin na lang ang trapik kung sabay-sabay mag-midnight sale! Mas lalo na ang paghanap ng paradahan, kung hindi makapunta ng maaga. Popular na nga ang gumamit ng Grab, na minsan ay hirap na ring makakuha. Kaya nagiging popular na rin ang mag-shopping online. Sa bahay lang ay puwede ka nang mag-shopping. Manigurado lang na sa kilalang website lang mamili, na may ligtas na pamamaraan sa pagbayad nang hindi maloko sa internet. Kahit sa internet, maraming kriminal na naghihintay lang ng mabibiktima.   

Hindi pa alam kung anong klaseng Pasko ang mararanasan ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, mas lalo na ang mga pagkaing pang-noche buena. May mga balita na kahit mga nasa tinatawag na “middle class”ay nagrereklamo na rin ng mataas na presyo. Kung ganun, nagiging malawak na nga ang epekto ng inflation sa bansa, kahit ayon sa gobyerno ay bahagyang bumababa na. Dapat siguro masuri na kung pinupuntahan pa rin ng mga tao ang malls, ano ang binibili ng karamihan, kung meron man. Baka namamasyal na lang at kumakain, pero hindi namimili.

vuukle comment

ONLINE SHOPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with