^

PSN Opinyon

PNP, AFP pumorma vs poll violence

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HULING araw kahapon sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga kandidato sa  darating na midterm elections. Ibig sabihin, painit na nang painit ang political season. Mabuti kung puro paninira lamang at palitan ng akusasyon ang mangyayari. Kaso, karaniwan na sa mga nagaganap na eleksyon ang pagpaslang sa mga kandidato.

Dahil dito’y nagsanib-lakas ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines upang sugpuin ang mga umiiral na private armed groups na siyang ginagamit ng mga tiwaling politiko sa pag-utas sa kanilang mga malalakas na katunggali sa eleksyon.

Tiniyak ni PNP Director General Oscar Albayalde na magtutulungan ang PNP at militar para siguruhin ang mapayapang eleksyon sa Mayo 2019. Iyan naman ang gusto nating lahat: Mapayapang halalan. Hindi eleksyong marami ang mamamayapa.

Ngunit kahapon pa lang, sa huling araw ng paghahain ng COC ay may isa nang pagtatangka sa buhay ng isang kandidato ang nangyari, Tinutukoy natin ang tangkang pananambang umano kay House Majority leader Rolando Andaya na nangyari matapos siyang magharap ng kanyang COC sa Capitol complex sa Pili, Camarines Sur. Hawak na umano ng pulisya ang isang sikyu na nagtangka sa buhay ng Kongresista na tatakbo bilang Gobernador ng lalawigan.

Ganyan lagi ang kalakaran ng pulitika sa ating bansa. Walang pagbabago. Kaya tama lang na maghigpit ang mga tagapagpatupad ng batas sa pagmamanman sa mga masasamang element upang mapigil ang kanilang mga buktot na balak.

At harinawa, sana’y huwag silang magpagamit na kasangkapan ng mga masasamang pulitiko sa paghahasik ng kaguluhan sa eleksyon.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with