^

PSN Opinyon

Pinatulan na, ginawa pang katatawanan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC), lumutang ang mga katatawanang balita. Mga balita na hindi na dapat binibigyang pansin pero pinagpistahan at “ines-es” pa ng media.

Ang tinutukoy ko, ay ‘yung mga tatakbo sa pagka-pulitiko na ex-boyfriend daw ni Mocha Uson at Kris Aquino.

Malupit man sabihin ito pero, unfiltered at walang halong panlalait, kung titingnan ay wala talagang tamang estado ng pag-iisip ang mga nag-file na’to ng kanilang COC. Sa salitang balbal o sa salitang kalye, may sapak, may tama o may tagas ang kukote. Pero pinatulan, binigyan ng espasyo at higit na pansin pa ng mga putok sa buhong media, ginawang katatawanan ang mga may diperensiya sa pag-iisip mabenta lang ang kanilang mga balita.

Maituturing na balita nga, pero yung mga media’ng nag­lalabas ng ganitong mga klaseng balita, maaaring may diperensya rin sa pag-iisip… o mas masahol pa sila.

Ang mga normal na indibidwal kasi, kinakaawaan ‘yung mga may diperensya sa pag-iisip, hindi pinaglalaruan, hindi ibinibida at hindi pinagtatawanan ang kanilang kakulangan.

I don’t want to think that there’s any cruel intention, on the part of these media  to thrive in the misfortune of these people who are mentally-challenged. Making slapstick statement such as running for a senatorial position and claiming that they are the “exes.”

Lilinawin ko, ayokong isipin na may “patago” at malupit na intensyong paglaruan at pagkakitaan ang mga may kapansanan o sadya silang gawing katatawanan sa publiko. Insensitibong balita at ang bentahe ay “the oddities” of others – prominenteng kabalbalan! Tsk tsk tsk, eto talaga ang pailalim na galawan ng mga kontrapelo at may kinikilalang kulay na media.

They can do away with murder in a subliminal way o patago na hindi mo malalaman. Tulad nitong gawing  katawa-tawa ang mga mentally-challenged o ‘yung mga nag-file ng COC na hindi normal ang pag-iisip.

Ang sinasabi ko, bakit kailangang ibalita pa? Para pagtawanan ang kamalasan ng mga may kapansanan sa pag-iisip? Aba kung ganoon, kung ‘yung kasamahan ni mocha na blogger na kinondena nila dahil pinaglaruan daw at  pinagtawanan ang mga may kapansanan sa pandinig… Oh e bakit di natin kondenahin itong mga putris na to? Gets n’yo?

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with