^

PSN Opinyon

Iba talaga ang pulitika

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IBA rin talaga ang pulitika. Kahit magkakapatid ay nagbabatuhan ng putik. Sa Makati, dalawang magkapatid ang maghaharap para sa pagiging mayor ng siyudad. Ayon kay Mayor Abby Binay, dapat harapin at tapusin na muna ng kanyang kapatid na si Junjun Binay ang mga kaso ng korapsiyon laban sa kanya, na maaaring maging dahilan ng kanyang panghabambuhay na diskwalipikasyon sa paninilbihan sa gobyerno. Ayon pa sa mayor, may basbas na siya ng kanyang ama, dating Vice President at mayor ng Makati, na may mga sariling kaso laban sa kanya.

Sumagot naman si Jujun Binay na desperado na ang kanyang kapatid para sabihin iyon, at kung sakaling matuloy na silang dalawa ang magkatugma, Binay vs. Campos daw ang labanan dahil siya ang nagdadala ng “Binay brand”. Ayon pa kay Junjun, dapat bumalik na lang si Abby sa Kongreso. Ganyan na ang pagtutukoy nilang dalawa. Paano kaya sila bago pumasok ng pulitika? Ayon sa Comelec, kung may dalawang kandidato ang isang partido para sa isang posisyon, magiging independent sila. Sino kaya ang kakampihan ni dating VP Binay, na pabalik mula sa ibang bansa? Sino kaya ang papanigang anak? Mukhang magiging maganda ang labanan sa Makati.

Ganundin sa Senado, kung tatakbbo ang dalawang hindi magkasundong anak ni Manila Mayor Erap Estrada. Ayon sa Comelec, maaaring maging “nuisance candidate” si JV Ejercito kung gagamitin ang apelyidong “Estrada”, at magrereklamo si Jinggoy. At dahil hindi nga magkasundo, hindi malayong maghain ng reklamo si Jinggoy. Hindi raw kilala ang pangalan na “JV Estrada”, na puwedeng batayan ng reklamo sa pagiging “nuisance”. Wala naman daw problema kay Erap kung parehong tatakbo ang mga anak niya.

Ito ang iilan lang sa mga magiging isyu sa Comelec , kapag nag-file na ng kani-kanilang mga Certificate of Candidacy (COC). Hanggang Oktubre 17 na lang ang paghain ng COC.

vuukle comment

ABBY BINAY

JUJUN BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with