^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Dahil trapik, tigil muna ang mga paghuhukay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL-  Dahil trapik, tigil muna ang mga paghuhukay

LALONG lumalala ang trapik ngayon at wala nang magawa ang mga motorista kundi maghimutok o magmura sa mga namumuno. May mga alternate route na sinasabi ang Metro Manila Develoment Authority­ (MMDA) subalit trapik din dahil maraming pasaway na pinaparkingan ng sasakyan, ginaga­wang carwash area, basketbolan, at may mga tindahan. Hinahatak ng MMDA ang mga sasakyang nakaparada pero pagtalikod, meron na naman.

Ngayong papalapit na ang Pasko, tiyak lalo pang tatrapik. Lalong mararamdaman ang bigat ng trapiko. Magkakaroon na ng kaliwa’t kanang promo sale ang mga shopping malls. Tiyak lalo nang bibigat ang trapik sa EDSA sapagkat lahat nang mala­laking mall ay narito.

Noong nakaraang linggo, pinakiusapan na ng MMDA ang mga mall na magbukas ng 11:00 ng umaga­ simula sa Nobyembre 5 hanggang Enero 14, 2019 para hindi makadagdag sa bigat ng trapiko. Pumayag naman ang mall operators. Karaniwang nagbubukas ng 10:00 ng umaga ang mga malalaking malls. Ayon sa MMDA, pumayag din ang mall operators na mag-a-assign sila ng mga sekyu na manga­ngasiwa sa traffic ng mga sasakyang papasok sa establisimento. Ito ay para hindi magkabuhul-buhol ang trapik na maaapektuhan ang daloy sa EDSA at iba pang kalsada sa Metro Manila.

Ang magiging problema na lamang kung sakali ay ang isinasagawang road works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kung kailan nalalapit ang holiday season ay saka nagsasagawa ng road re-blocking lalo na sa EDSA. Dapat hinto muna ang pagre-repair sa mga pangunahing lansa­ngan para naman walang pagbubuhol ng trapiko.

Madalas na nagsasagawa ng reblocking ang DPWH sa EDSA malapit sa GMA-7 na nagdudulot nang grabeng trapik. Noong nakaraang linggo, nagsagawa na naman sila ng reblocking at umano’y may susunod pa. Dapat tigil muna ang pagsasaayos dahil hindi pa naman talaga sira ang hinuhukay nila. Isa pa, tag-ulan ngayon kaya mahirap ang hukay nang hukay.

May mga ginagawa ring paghuhukay para sa drainages na nagiging dahilan din nang matinding trapik. Marami sa mga drainage project na sinimulan ay hindi pa natatapos gaya sa Earnshaw St. at sa Sta. Cruz, Manila area.

Dapat namang sumunod ang DPWH sa pakiusap na huwag munang maghukay o mag-repair kaya. Maa­ari namang ipagpaliban ang mga road repairs na ito.

vuukle comment

METRO MANILA TRAFFIC

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with