^

PSN Opinyon

Sobra-sobrang suplay naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TONE-TONELADANG kamatis na nabubulok lang dahil hindi na mabili sa merkado ang itinapon sa Laguna landfill, habang ang ilan ay gagamitin bilang pakain sa hayop­. Ang mga kamatis ay ibang uri rin sa napo-proseso bilang tomato sauce o paste. Siguro kahit ketchup hindi rin pwede mgamit. Ang mga kamatis ay hindi na mabili ng mga mangangalakal, kahit na bagsak ang presyo sa P100 bawat kahon. Nagkaroon talaga ng sobra-sobrang suplay ng nasabing uri ng kamatis.

Natatandaan ko noong pumutok ang popularidad ng “lechon manok”, makakakita ka ng nag-iihaw ng manok sa bawat kanto. Nang humina na ang benta, unti-unting nagsarahan ang mga negosyo, at naiwan na lang ang mga alam nating nagbebenta. Maaaring sabihin run iyan sa Tamiya Mini Four Wheel Drive at pearl tea. Ito ay mga textbook na halimbawa ng supply at demand. Ito ang gusto ng Department of Agriculture (DA) na ituro sa mga magsasaka. Ang mga magsasaka ay dapat turuan na magtanim ng ibang pananim, at hindi lamang lahat kamatis. Marahil ay madaling itanim at lumaki ang kamatis, kaya maraming nagtatanim. Ngunit sa paghango, nagkaroon ng labis-labis na suplay. Hindi inasahan ang pangyayari. Dito dapat pumapasok ang DA, upang gabayan ang mga magsasaka sa pagtatanim ng iba’t ibang pananim tulad ng sitaw, kalabasa at ampalaya. Maibibigay daw ng DA ang mga buto para riyan.

Ito ang estado ng agrikultura sa bansa. Tila walang patnubay sa mga magsasaka, o walang mahigpit na panga­ngasiwa kung ano ang pwedeng itanim ng mga magsasaka. Kung mayroon sana, hindi na mangyari ang sobra-sob­rang kamatis. Kahit may dumaang malakas na bagyo, ganun pa rin ang ani. Ang kabaliktaran ay maaari ring mangyari, kung saan ang isang kakulangan ay nangyayari dahil hindi na sapat ang isang partikular na pananim o hayop. Ang overfishing ng isang uri ng isda ay maaari ring mangyari lalo na sa kawalan ng regulasyon mula sa gobyerno. Ka­ilan lang ay nag-angkat ang gobyerno ng galunggong, na madalas kainin nang maraming Pilipino. Mukhang wala nang mahuli ang mga mangingisda dahil wala ngang regulasyon.

Napapanood ko ang palabas na “Deadliest Catch” kung saan ang isang uri ng alimango ang puwedeng hulihin kung pasok sa panahong itinakda ng gobyerno. Kapag natapos na ang “season” ng isang uri ng alimango, ibang uri naman ang pwedeng hulihin. Ito ay para mabigyan ng pagkakataong makabawi ang populasyon ng alimango. Pati ang paghuli ng mga alligator sa Southern US ay pinamamahalaan din ng gobyerno. Dapat may ganyang sistema rin sa bansa, kung saan ang pamahalaan ay dapat nagbabantay sa mga magsasaka at mangingisda, na maaaring hindi maintindihan ang sistema ng “seasonal approach” sa pagtanim, pati na rin ang paghango ng isda. Ang mistulang pulang dagat ng kamatis sa tambakan ay dapat sapat na aral sa gobyerno at magsasaka kung ano ang hindi dapat gawin.

Kung maaari lamang nilang ibenta ang mga sobrang kamatis sa Buñol, Spain, para sa kanilang pagdiriwang ng La Tomatina. O dapat ba magkaroon tayo ng sarili natin? Ayaw mo bang batuhan ng kamatis ang ilang tao riyan?

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with