^

PSN Opinyon

Importante ang bigas sa ating mga Pinoy

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ANG hindi ko maintindihan ay kung bakit ipinagyayabang pa ang pagbaha kuno ng bigas sa bansa sa mga susunod na araw. Ako’y nalungkot para sa ating mga magsasaka dahil sa naging desisyon ng gobyerno na kahit sinong indibidwal ay puwede nang mag-import ng bigas. Pagdurusa ang aanihin ng ating mga magsasaka. Lalong uunlad ang mga magsasaka ng Thailand at Vietnam dahil ang mga bansang ito ang pangunahing pinagku­kunan natin ng bigas. Bakit natin kailangang mag-import ng bigas ngayong panahon ng anihan? Oo maiintindihan siguro natin kung buwan ng Hulyo, Agosto at Set­yembre dahil panahon pa lang ‘yan ng pamumulaklak ng mga palay.

Tayo ay tinaguriang agricultural country ng Asia kaya kung tutuusin hindi sana tayo dumaranas ng shortage sa bigas. Kung maayos ba naman ang patubig sa buong bansa at tinutulungan  ng gobyerno ang mga magsasaka upang maging masagana ang kanilang ani hindi sana tayo dumaranas nang ganito. Dapat sana tangkilikin ang sari­ling atin. Paano na ‘yung mga magsasaka na nagpapaaral ng anak? Saan sila kukuha nang pangtustos sa pagpa­paaral? Siyempre sa ginawa ng gobyerno ay magi­ging mura na ang palay samantalang ang insecticide at fertilizer ay patuloy ang pagtaas.

Hindi pa rin naaalis ang graft and corruption sa bansa sa kabila ng marami nang napatalsik dahil dito. Yan ang numero unong problema kaya lugmok tayo sa kahirapan. Usong-uso pa rin ang “lagayan” sa gobyerno. Dapat tanggalin din ang excessive tax dahil ang mga mahihirap ang nadidikdik dito. Sa patuloy na pagtaas ng bilihin, dito man lang sana tayo bumawi sa bigas na gawin sanang mura.

Isantabi muna ang pulitika asikasuhin ang kuma­kalam na sikmura.

vuukle comment

AGRICULTURAL COUNTRY

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with