^

PSN Opinyon

Nang dahil sa pancake, muntik magsaksakan!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PINANGINGILAGAN at kinatatakutan ng lahat ang ma­rinig pa lang ang pangalang BITAG. Kung di naiihi sa lawlaw nilang mga karsunsilyo, nangangatog ang mga bombalyas sa takot na mabuko. Kaya ‘yung ibang dorobo, di sumasagot sa tawag ng BITAG. Pilit na umiiwas pero di naman nakakaligtas.

Pero sa likod ng imaheng ito, nangingibabaw pa rin ang serbisyo publiko. Bukas ang aming tanggapan sa reklamo ng mga simple at totoong tao. Di naman lahat ng sumbong ay kailangan ng agarang solusyon. Kaya hindi sa lahat ng pagkakataon, dinadaan namin sa pambabraso ang aksyon.

Lalo na sa mga ganitong klaseng sumbong…

Isang canteen helper ang humingi ng tulong sa Bitag – Kilos Pronto. Reklamo ng pobreng si Catlyn, sinibak siya sa trabaho dahil sa pancake!

Heto ang kuwento, nagluluto raw siya ng pancake nung dumating ang kanyang kasamahan. Nagulat na lamang si Catlyn nang bigla siyang sigaw-sigawan nito at ipahiya sa harap ng ibang tao. Ang dahilan, naiwan daw na bukas ang kalan kahit wala namang apoy. Bagay na itinanggi ng pobre. Dahil dito nagkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa mura­han at ambang pananaksak kay Catlyn ng kasamahan. Ma­buti na lamang at agad silang naawat.

Agad namang gumawa ng imbestigasyon ang Canteen Cooperatives na kinabibilangan ng dalawa. Dahil walang nagpapatalo at mainit sila pareho, napagdesisyunan ng ko­operatiba na pagpahingahin muna ang isa sa kanila.

Pero hindi raw ibig sabihin nito na sinibak si Catlyn sa trabaho. Paglilinaw ng Canteen Cooperatives head na si Mercy Arevalo, pinagpahinga lang muna ito. Dagdag pa niya, tatawagan na sana nila ito dahil kulang sila sa tao.

Dahil sa mga narinig na paliwanag, agad naman siyang napanatag. Ikinatakot lang daw niya na mawalan ng trabaho dahil kailangan niya ito.

Ito ang saysay kung bakit mayroong Bitag – Kilos Pronto. Hindi lang kami kinatatakutan pero madali ring malapitan at handang tumulong sa mga nangangailangan. Dahil naniniwala ang Bitag-Kilos Pronto na lahat ng bagay ay nada­daan sa mabuting usapan.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with