^

PSN Opinyon

Panukalang sayang

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

BINIGYAN lang pala ng kahihiyan ng Kongreso ang Cons­titutional Commission ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Matapos isumite ng huli ang kanilang panukalang Konstitusyon, tinanggap ito ng House upang isalang at pag-usapan ng mga House Committee. Subalit hindi ito nahimay nang husto – inutos ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo (SGMA) noong Agosto na ipagpaliban na ang anu­mang hearing sa bersyon ng ConCom. Sayang daw ang oras! Sa halip ay tutukan na lang ang Senado at kumbinsihin na makilahok sa Constituent Assembly. Ipinain pa ni SGMA ang kanyang pagsang-ayon sa magkahiwalay na botohan ng dalawang kamara.

 At heto ang kasunod na dagok – mismong si SGMA ay naghain ngayon ng kanyang bersiyon ng Konstitus­yon para talakayin ng House. Ano na ang mangyayari sa pinaghirapang opus ng ating magigiting na miyembro ng ConCom?

 Ayon kay SGMA, halos nandun pa rin naman karamihan ng probisyong hinanda ng ConCom. Ang kaso ay mayroon siyang mga idinagdag. Una, tatanggalin nito ang term limits. Wala nang balakid sa panghabang buhay na paglingkod sa elective positions. Pangalawa, hindi ipagbabawal ang Political dynasty. Kahit buong angkan -- mula Lolo hanggang apo sa talampakan -- ay maaring makipagsapalaran. Pangatlo, iniba nito ang kalagayan ng Bise Presidente. Kung dati’y hiwalay itong pagbobotohan, sa kanya ay ka-block vote na nito ang ka-team mate na Pangulo. As in, kung ibinoto mo ang kandidatong Pangulo, tangay na rin kung sino man ang kapartner nito. Sa nakaraang halalan, kung ganito na ang patakaran, dapat sana’y si Sec. Alan Peter Cayetano na sana ang nanalo kasabay ni PRRD. May mas malala pa – tatanggalin sa line of succession ang Bise. Kapag may mangyari sa Pangulo, ang Senate President na at matapos ay ang Speaker ang siyang hahalili. Pang apat, naglagay ito ng mekanismo para sa mga rehiyon at LGU na nais maging federal state.

 Maganda itong panukala ng ating Speaker para sa mga interesado sa akademikong talakayan. Hanggang doon na lang kasi ito at tiyak na walang patutunguhan sa Senado.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with