^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kailan lilinisin ang maruming Customs?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kailan lilinisin ang maruming Customs?

HINDI pa man lumalamig ang isyu sa mga magnetic lifters na nakalusot sa Bureau of Customs na naglalaman umano ng toneladang shabu, meron na namang panibagong isyu sa maruming tanggapan na ito. Bigas naman ngayon ang hima­lang nawala! Marami ang nagtataka sapagkat sa mismong warehouse pa ng Customs sa Zamboanga port nawala ang mahigit 23,000 sako ng bigas na galing Malaysia. Smuggled ang bigas na nasabat ng Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency at Intelligence Service-Armed Forces of the Philippines noong Setyembre 22 sa Bert Go warf sa Baliwasan, Zamboanga City.

Nang malaman ni President Duterte ang pagkawala ng bigas ay galit na galit umano ito, ayon kay Presidential spokesman Harry Roque. Hindi raw maisip ng Presidente kung paano nawala sa mismong warehouse ang mga nakumpiskang bigas. Incredible raw. Paano raw nailabas ang mga sako gayung may guwardiya.

Walang dapat pagalitan ang Presidente kundi si Customs Commissioner Isidro Lapeña. Pero ma­­labong mapagalitan o masibak sa puwesto si Lapeña dahil pinagkakatiwalaan siya ng Presidente. Kahit nga maraming ebidensiya ang PDEA na ang laman ng mga magnetic lifter ay shabu, hindi naniwala ang Presidente. Nagalit pa nga siya dahil sinabi na umano ni Lapeña na hindi shabu ang laman nang mga nakalusot na magnetic lifter.

Pero nag-iimbestiga na umano si Lapeña at sinuspende na niya si Zamboanga District Collector Lyceo Martinez at Customs police district commander Filomeno Salazar dahil sa pagkawala ng mga bigas sa warehouse. Sinabi rin ng Customs chief na nakarekober na ng 18,000 sako ng bigas. Ang tanong ay nasaan na ang tinatayang 7,000 sako pa ng bigas.

Dapat tuluyan nang sibakin ang dalawang opisyal sapagkat sila ang may responsibilidad sa pagkawala ng mga bigas. Nakakahiya na sa sariling bakuran nawala na halatang may gustong umarbor sa kontrabando. Kapag nakabalik sila sa puwesto, magpapatuloy ang kurakutan sa Customs.

Ipakita naman sana ng Customs chief na kaya niyang bantayan ang galaw ng kanyang mga tauhan. Nakakasuka na hindi makahulagpos ang Customs na isa sa mga pinaka-corrupt na tanggapan. Kakadiri!

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with