^

PSN Opinyon

Killing me softly

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAHANG “pinapatay” ng mga oil companies ang samba­yanang Pilipino sa ginagawang madalas na big-time price hike sa petrolyo. Isa o dalawang kembot na lang ay magi­ging singkuwenta pesos na ang kada litro ng diesel. Bukas makalawa, hindi kataka-taka kung ang presyo kada litro ng petrolyo ay isanlibong piso na.

Ang masakit, parang ayos lang ang nangyayari para sa ating gobyerno. Nakaamba na namang tumaas ang presyo ng diesel ng panibagong P1.50 kada litro samantalang ang gasolina ay P80 sentimos.

Hindi puwedeng ikatuwiran na sa ganitong price increase, ang mga mayayaman ang apektado. Kabaliktaran! Ang mga mayaman ay  kayang-kayang indahin gaano man kalaki ang itaas sa preso, pero hindi ang mga mahihirap.

Pagsirit ng presyo ng petrolyo, sisirit din ang presyo ng transportason at bilihin.

May panukala si Senator Sonny Angara sa Department of Energy (DOE) at Department of Justice (DOJ) na buuin na ang isang task force na magsisiyasat sa hindi na resonableng pagtaas ng preso ng langis sa gitna ng 6.7% na inflation rate.

Ani Angara, dapat gumawa ng aksiyon ang gobyerno at tingnan ang mga ipinatutupad na “unreasonable hikes” sa presyo ng mga produktong petrolyo. Sa tingin ko, wala nang natitirang simpatiya at habag ang mga negosyante sa petrolyo at hindi na iniisip ang kapakanan ng mga mahihirap.

Pinapatay ng mga negosyante ang kanilang merkado na bumubuhay sa kanilang negosyo. Sabagay, kahit tuluyang bumagsak ang Pilipinas ay may negosyo pa rin ang mga suwapang na iyan sa ibang panig ng mundo.

At kataka-taka na parang tameme o wala lang kibo ang pamahalaan sa harap ng mga pangyayaring ito.

vuukle comment

DIESEL

PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with