^

PSN Opinyon

Listahan na naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NOON, ang simbahan ang binatikos at binangga ni Pres. Rodrigo Duterte. Binatikos ang mga pari at ina­­kusahan ng kung anu-ano. Pati nga ang Diyos ay binatikos at minura. Ngayon, ibang institusyon naman ang kinakalaban. Labingwalong unibersidad ang nasa listahan ng AFP. Listahan ng mga unibersidad na pinasukan na raw ng mga komunista, at kabilang na rin sa planong patalsikin si Duterte. Kabilang sa listahan ang UP, UST, Ateneo de Manila, De La Salle, FEU, University of Makati, Emilio Aguinaldo University at iba pa.

Agad umalma ang mga opisyal ng mga nasabing unibersidad, at hinamon ang AFP na patunayan ang kanilang mga paratang. Ayon kay UP Diliman Chancellor Michael Tan, mistulang martial law ang mga akusasyong ito. Wala ngang hawak na matibay na ebidensiya ang AFP na nagaganap nga ang mga sinasabi nila. Ayon sa AFP, nakakatanggap daw sila ng reklamo mula sa mga magulang ng mga mag-aaral na pinipilit umanong tanggapin ang komunismo.

Nakababahala nga na sa ganitong impormasyon lang ang batayan ng AFP para akusahan ang mga paaralan na aktibo na sa planong patalsikin ang pangulo. Ayon kay Roque, wala naman daw dapat ikabahala ang mga paaralan kung nasa listahan. Madaling  sabihin iyan at hindi na siya nag-aaral, at kasangga na ang administrasyon. Kung mag-aaral ka at nakikita mong may mga sundalo na sa unibersidad mo, hindi ka mababahala? Paano kung damputin na lang ang mga mag-aaral para “kausapin”, sa hinalang naimpluwensiyahan na ng mga komunista? Hindi ba ganito nawala sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno? Nakakulong na nga si Palparan, pero hindi pa matagpuan ang dalawang mag-aaral. May katwirang mangamba ang mga mag-aaral, at mga magulang sa inilabas na listahan ng AFP, kahit ano pang sabihin ni Roque.

Sana naman hindi basta-bastang inilagay ng AFP ang mga unibersidad sa isa na namang listahan, kung wala namang matibay na batayan ang paratang. Alam natin ang peligro ng malagay sa listahan ng administrasyong ito. Dapat respetuhin din ng administrasyon ang “freedom of speech” na karapatan din ng mga mag-aaral, basta’t hindi labag sa bayan o sa Konstitusyon. Ito ang dapat ipagtanggol ng AFP, at hindi sugpuin.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with