^

PSN Opinyon

Bahala na ang korte

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA bang respeto ang Palasyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP)? Unang nagpahayag ang AFP na hindi raw sangkot ang Liberal Party, Magdalo at Akbayan sa anumang plano na patalsikin si Pres. Rodrigo Duterte sa pwesto, partikular sa sinasabing “Red October”. Pero nagpupumilit ang Palasyo na sangkot daw sila, at sumasanib-pwersa sa CPP-NPA. Hinamon na nga ni Senator Drilon ang Palasyo na sampahan ng kaso ang sinoman sa LP kung naniniwalang sangkot sa anumang plano. Tapos, kinumpirma ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez na nag-apply si Senator Trillanes ng amnestiya. Ang paniniwala nga ni Galvez ay may pagkukulang ang pagtago ng papeles ni Trillanes. Pero iginigiit pa rin ng Palasyo na hindi nag-apply ng amnestiya si Trillanes, kahit napakaraming ebidensiya na sumosuporta sa kanyang pag-apply. Para sa Palasyo, wala na palang sinabing tama ang AFP.  

Malinaw na gusto lang talaga ng Palasyo na ipitin ang sinomang mga kritiko ng administrasyon. Kung ang pinakamataas na opisyal na nga ng AFP ang nagsabing nag-apply si Trillanes ng amnestiya noon, hindi ba ang dapat managot ay kung sinoman ang may responsibilidad magtago ng mga dokumento, at hindi si Trillanes? Tama nga ang pagkakatulad na kung nawawala sa Department of Foreign Affairs ang application form ng passport mo, wala na ba itong silbi, kahit ilang beses ka nang nakabiyahe? Ibig sabihin lahat ng biyahe mo ay iligal, kaya dapat kang arestuhin, kasuhan, at ipakulong? Mapapailing ka na lang talaga sa mga naiisip na paraan ng administrasyon na patahimikin o ipakulong ang mga kritiko.

Naglabas naman ng pahayag ang militar na bahala na ang korte kung paano titimbangin ang pahayag ni Galvez, at wala nang ilalabas na pahayag hinggil sa kaso. Siyempre, minamaliit ng Palasyo ang lahat ng ebidensiya na nag-apply ng amnestiya si Trillanes, at iginigiit na mas importante raw na wala siyang application form. Masabi ko lang na ang form puwedeng mawala, pwedeng “walain”, pero ang mga pahayag ng mga testigo ay laging mananatili, kasama ng iba pang mga ebidensiya na hawak ni Trillanes. AFP chief of staff na rin ang nagsalita.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with