^

PSN Opinyon

BI, visa scam

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GUSTONG paimbestigahan ng ilang insiders sa Bureau of Immigration ang sinasabing multi-billion visa scam na biktima ang mga tsekwa na kayang magbayad ng malaking halaga ng salapi, kapalit ng pananatili nila sa Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may sabwatan nangyayari diumano’y sa pag-proseso ng Special Working Permit, 9G visa, Temporary visa- visa upon arrival at lifting ng blacklist na kinabibilangan ng mga bigtime immigration officials con fixers sa loob ng BI main office, dyan sa Intramuros, Manila.

Isang alyas Atty. Kamote ang sinasabing utak ng sindikato sa BI.

Ika nga, busisiin ang tunay na pangalan ni Atty. Kamote.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malalakas ang loob ng mga nagsabwatan official  ‘con fixer’ sa BI dahil malaking salapi ang ganansiya nila para lakarin ang mga dokumentong sinasabi sa itaas.

Ika nga, hindi bababa sa P150 million a year ang nakukuha nilang salapi sa mga tsekwa na nagpapagawa ng mga dokumento sa itaas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Atty. Kamote, ang ‘utak’ ng sindikato na kailangan paimbestigahan ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation para magkaalaman na at matapos na ang mga maliligayang araw ng mga sindikato dito.

Sabi nga, ikalaboso na ang mga sindikato sa BI!

Sinasabing nagpa-audit ang isang Cabinet Secretary ng Special Working Permit na naibigay sa mga tsekwa simula noong January hanggang August 2018,  matapos ibulgar ni Senate Minority Leader Frank Drilon na may 400,000 tsekwa nagta-trabaho sa Metro - Manila.

Ang dami pala!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong isang taon nag-issue ang immigration ng 23,000 Special Working Permits sa mga Chinese nationals  samantala mahigit sa 28,000 temporary visa o visa upon arrival ang na-isyu naman.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may karagdagan bayad na  P1,500 ang singilan sa bawat Special Working Permit na hindi kasama sa resibong ibinibigay ng BI kapag nagbayad ang mga tsekwa dito o kung sino man ang fixer nila.

“Mahigit sa P23,000 special working permit ang naibigay, i-multiply mo ito sa P1,500 kada isa may kabuuan itong P34.5 million.  Sa 9G visa nag-issue ang BI ng 15,000 at i-dagdag mo ang P5,000 kada issuance para sa sindikato may P75 million kabuuan ito. Sa temporary visa - visa upon arrival 10,000 Chinese visitors ang nabigyan idagdag mo dito ang kita ng mga sindikato na P1,500 to P3,000 kada isa may P30 million ito. Ang lifting ng blacklisted o recall order idagdag mo sa ginagawa ng mga sindikato kaya hindi biro ang kita nila na P150 million a year,’ sabi ng kuwagong sumbungero.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kaya kailangan itong imbestigahan sa lalong madaling panahon ng NBI para magka-alaman at malaman ang lawak ng sindikato sa Bureau of Immigration main office kung mayroon man?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibinili nang  ‘utak ng sindikato’ ng condo dyan sa may Roxas Bou­levard at bagong kotse ang kabit nito dahil sa dami ng salaping pumapasok sa kanyang bulsa.

Sabi nga, ang bebot ay ‘casual employee’ ng BI?

‘Imposibleng hindi ito alam ng ibang opisyal sa BI ang ganitong modus?’ sabi ng kuwagong nabukulan.

Sabi nga, palit pera!

Ang ganitong modus kung totoo ay kailangan imbestigahan ni BI Commissioner Jaime Morente para magkasibakan at makulong ang mga sindikato bago mag-pasko.

Abangan.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with