^

PSN Opinyon

Mga abusadong mambabatas

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ANG isang problema ng ating bansa ay ‘yung ibang mambabatas na umaabuso sa kapangyarihan. Ako’y nainis sa inasal ni OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz sa security personnel na ginagawa lang ang trabahong iniatang sa kanya. Tama ba naman na ipagduldulan sa mukha nito ang kanyang ID? Ang tanong lahat ba na may hawak na airport ID ay hindi na puwedeng sitahin ng mga security personnel? Lumaban naman kayo ng parehas hindi porke’t nasa kapangyarihan akala mo e kung sinong umasta. Malas lang niya dahil ang daling nakamtan ang karma. Kinuyog siya ng batikos sa social media.

Walang pinagkaiba si Bertiz kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Rep. Rodolfo Fariñas. Kung maaalala n’yo, di ba gusto ni Fariñas ay gawing special ang kanilang mga sasakyan sa kalye? Ibig sabihin tumabi ang ibang sasakyan para sila’y makaraan. Ang masasabi ko lang, may mga saltik na yata sa ulo ang mga mambabatas na ito. Sila mismo ang unang bumabali sa ginagawa nilang batas. Hindi sila nagiging modelo upang sundan ng mamamayang Pilipino.

Para sa akin, dapat sipain nang ubod lakas si Bertiz­ hanggang umabot sa buwan. Humingi nga siya ng sorry pero binastos naman ang kababaihan. Anong keber ng kanyang monthly period sa kanyang pagiging arogante? Sana’y mamulat na ang kaisipan ng ating mga kababayan. Huwag nang ibalik sa puwesto ang mga pulitikong abusado sa kapangyarihan upang maranasan din nila ang nararanasan ng ordinaryong mamamayan. Gaano ba naman kahirap para kay Bertiz ang magtanggal ng sapatos?

Hindi kaya maigi kung ang mga mambabatas ay babae dahil sila’y mapagkumbaba, tapat at nabibigyan ng attention ang kanilang mga trabaho. Sa aking susunod na kolum, ipagpapatuloy ko ang pagtirada sa mga abusadong government officials. Abangan.

vuukle comment

ANICETO BERTIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with