^

PSN Opinyon

Kailan seryoso?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

“ANG tanging kasalanan ko lang ay ang extrajudicial killings.” Ito ang ipinahayag ni Pres. Rodrigo Duterte sa isang talumpati sa Palasyo. Hindi raw siya nagnakaw kahit piso, wala rin daw siyang ipinakulong. Iyan lang daw ang kanyang kasalanan. Ano ang basa ninyo rito? Ito ba ay pag-aamin na siya nga ang nasa likod sa mga extrajudicial killings (EJK)? Ito ba ay pag-aamin na siya ang nag-utos na patayin ang libu-libong pinatay sa lansa­ngan? Para sa marami, ganito nga ang ibig sabihin. Sa unang pagkakataon, inamin na ni Duterte na siya nga ang nasa likod ng EJK, kahit matagal nang alam ng ma­rami. Para sa mga kritiko ng administrasyon, maaari na raw itong magamit sa reklamong isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court.

Pero agad namang nagsalita ang mga tagapagtanggol ni Duterte. Hindi raw seryoso ang Presidente nang sabihin iyan, at hindi dapat literal ang interpretasyon sa kanyang mga pahayag, at hindi raw ito pag-aamin ng kasalanan. Naglalaro lang daw. Ayon naman sa abogado ng gobyerno, “matter of language” lang daw, at mali daw ang interpretasyon, na naman. Dapat may kaugnayan daw sa lahat ng dati niyang pahayag para makita ang kabuuan ng kanyang gustong sabihin. Kesyo Bisaya raw at hindi taga-Manila kaya iba magsalita. Iyan lang daw ang parating isyu sa kanya, at hindi pagnanakaw o pagpapakulong kaninuman. Napakaraming paliwanag.

Paano kaya malalaman ng taumbayan kung kailan seryoso ang Presidente o hindi? Kailan iintindihin ng ma­mamayan ang kanyang mga pahayag, o dapat bang hintayin ang paliwanag ng Palasyo o ng abogado sa bawat pahayag? Dahil siya ang Presidente, lahat nang kanyang pahayag ay pinakikinggan. Tulad ng pahayag na kaya maraming nagagahasa sa Davao ay dahil mara­ming maganda. Biro lang daw. Pero hindi biro para sa mga ginahasa, hindi ba? Hindi rin biro para sa lahat ng mga kamag-anak ng mga napatay. Seryoso lang ba kapag si Sen. Antonio Trillanes ang pinag-uusapan?

vuukle comment

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with