^

PSN Opinyon

Substandard ba ang pamantayan ng NHA ? -- Nograles

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAALARMA si House Appropriations Committee Chairman Rep. Karlo “Ang Probinsyano” Nograles, matapos nitong makita sa isang viral online post ang kahila-hilakbot na gawang pabahay na sinu-supervised ng NHA sa Ormoc City, matapos wasakin ang mga ito nang malakas na lindol noong nakaraan taon.

Sabi ni Nograles, dapat imbestigahan ang NHA na nagbigay pahintulot sa umano’y kontratistang palpak sa ginawang mga substandard housing dito.

‘Kawawa ang mga ka-probinsyano natin, tinamaan na nga ng kalamidad, bibigyan pa ng palpak na housing­ units,’ birada ni Nograles.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO­, isang serye ng mga video sa Facebook na may petsang Sept. 24, 2018, na nagpakita kay Ormoc City Mayor Richard Gomez nang pagkadismaya habang binubusisi niya ang housing unit  na inilaan para sa mga biktima ng lindol sa Barangay Gaas.

Nagtataka si Mayor Gomez sa NHA kung bakit nila pinayagan ang paggamit ng mga palpak na hollow blocks sa ginagawang proyekto.

Bakit nga?

Babala ni Nograles, na kailangan may managot sa proyektong palpak dahil nagiging pattern na ito ng ahensiya kaya naman nasasayang lamang ang pera ng madlang people sa ganitong palpak na gawain.

Abangan.

* * *

Ma Mon Luk, napakarumi pa rin

Hanggang ngayon napakarumi pa rin sa Ma Mon Luk, dyan sa Quezon Avenue, Kyusi.

Sabi nga, nanggigitata ang banyo bukod sa mabaho at ang sahig napakarumi at puro kalat.

Ano ba ito? Take note, QC Mayor Bistek Bautista, Your Honor!

Ika nga, kailangan linisin.

Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, panay ang singhot at singa ng isang alyas Dennis, waiter sa Ma Mon Luk at panay ang pahid sa apron na suot niya ng kanyang ilong at kamay. Hehehe!

Kadiri!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ganito ang style ni Dennis na ginagawa niya yesterday morning (Sunday), pagkatapos ay magse-serve ng pagkain na inorder ng mga customer tulad ng siopao at mami.

Ano, ba iyan?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ba nakikita sa CCTV ng management ng Ma Mon Luk ito? Wala ba silang janitor para linisin ang maduming kasilyas nila?

Siguro dapat inspeksyunin ito ng Kyusi cityhall at bigyan ng penalty kung may nakitang mga paglibag este mali paglabag pala?

Sabi nga, kawawa naman ang madlang customers na kumakain dito na nagtitiis sa nakikita at naamoy.

Abangan.

vuukle comment

KARLO NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with