^

PSN Opinyon

Paano matatapos ang problema?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi pa rin matapus-tapos ang isyu ng magnetic lifters na nadiskubre sa Cavite, na ang hinala ng PDEA ay pinalagyan ng shabu, pero inalis na bago nila madiskubre. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa nasabing isyu, may tumestigo na may pitong Tsino na dumating sa bodega noong Hulyo. Dapat noong Mayo pa dapat pumunta, pero noong Hulyo lang dumating­. May tumestigo pa na may gumamit ng grinder sa magnetic lifter. Malamang para buksan ang lifter at limasin ang laman. Wala na ngang laman nang tingnan nila.

Sa mga pahayag na ito, pati na rin ang positibong reak­syon para sa droga ng mga asong sinanay maghanap ng droga, pati na rin ang nahuling shabu sa loob ng mga magnetic lifters sa Manila International Container Port na parehung-pareho sa lifters sa Cavite, masasabi nga na may lamang shabu na nakuha na. Ito nga ang posisyon ng PDEA at Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Gordon. Pero matatag pa rin ang posisyon ng Bureau of Customs na walang lamang droga ang mga lifters sa Cavite, dahil sa negatibong swab test na ginawa nila. Ito rin nga ang posisyon ni President Duterte, na halos pagalitan ang PDEA dahil sa kanilang pahayag na maa­aring kumakalat na sa lansangan ang shabu. Huwag daw magbakasakali. Siyempre, sino ang masusunod?

Paano matatapos ang problema sa iligal na droga, kung ganito nga at may nakakalusot pang bilyun-bilyong halaga ng shabu, kahit matindi na ang kampanya laban dito? Mula mismo sa isang opisyal ng BOC, kung mas maganda ang pagsasanay ng mga tauhan sa X-ray machines, nahuli sana ang shabu. Hindi raw dapat umaasa lang sa resulta ng X-ray, dahil maaari pa raw maitago ang droga kung binalutan ng tingga, foil o plastic. Dapat may pisikal na eksaminasyon kung wala talagang laman ang mga malalaking bagay.

Kung ganun pala, bakit hindi idaan sa matinding pagsasanay ang mga tauhan ng X-ray para wala ngang makalusot? Bakit ngayon lang sinasabi iyan? Dapat gawin na. Baka naman sadyang naglalagay ng mga mahihinang tauhan para nga may makalusot. Bakit nga naman ang PDEA pa ang nakakadiskubre, kung sa BOC naman unang dumadaan ang lahat?

vuukle comment

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with