^

PSN Opinyon

Si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, ibang mag-alaga!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAGKA-UTUTAN dila kami ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa isang lugar kaya naman na i-bida nito na hindi pala biruan ang ginawa nilang paghahanda noong nakaraan bagyong Ompong sa kanyang lugar.

Dahil papasok ito sa Philippines my Philippines at mahahagip ang Metro - Manila kaya naman puspusan ang ginawa niyang handaan este mali paghahanda pala!

Papasok pa lang si Ompong sa Philippines my Philippines at nabalitaan na baka ito tumama sa Metro - Manila, hindi ito biro dahil ang kategorya nito ay ‘super typhoon’  kaya naman mabilis niyang pinag­handa ang grupo ng Valenzuela Risk Reduction and Management Office para maging alerto kay Ompong at imonitor ang kanilang mga constituents sa lugar.

Sabi nga, itinaas ang alert level sa kanyang area of responsibilities.

Ika nga, para lalong maging handa!

Hindi biro ang ginawang pag-aasikaso ni Rex sa kanyang mga constituents dahil nagpahanda ito ng makakain este mali apat pala na malalaking trucks na ‘libreng sakay’  para tulungan ang kanyang mga kababayan sa Valenzuela.

Hindi lang ito ang pinagawa ng Alkalde nasa ‘red alert’ status ang lahat ng ‘search and rescue’ vehicles at mga kagamitan para sa oras na pangangailangan.

Parang nasa ibang bansa ka kapag nasa Valenzuela City dahil ipinahanda rin ni Rex ang 11 malalaki at malalakas na sirena para magbigay hudyat sa mga constituents nito na ang bagyo ay paparating na sa kanilang lugar.

Kaya dapat na silang mag-ingat at huwag matigas ang ulo sa gagawing utos sa kanila.

Every two hours nakahandang magingay este mali pinatutunog pala ang sirena para makapaghanda kung mag-babakwit ang kanyang mga kababayan sa safety places!

Mula ng maupo ang mga Gatchalian sa Valenzuela na pinangunahan ni dating Mayor Sherwin at ngayon ay si Rex naman ang alkalde ang dating bahaing lugar ay hindi na halos nakakaranas nang malalim na tubig baha sa iba’t-ibang place sa kanilang nasasakupan maliban na lang siguro kung masyadong mababa ang lugar.

Kaya naman ang madlang people from Valenzuela ay tuwang - tuwa sa magkapatid na Gatchalian.

Hindi rin pinabayaan ni Rex ang kanyang mga tauhan sa munisipyo na nakahanda para magbigay ng tulong sa madlang people dito.

Ika nga, may premyo bang ibinigay si Rex sa kanila?

Secret!

* * *

Congrats, narcotics agents

Malaking bulto ng droga huli sa mga dayuhang adik/chemist ng mga narcotics agents sa tulong na rin ng international counter part nila abroad.

Sabi nga, congrats narcotics people!

Hindi birong salapi ang nalugi sa mga druglords sa pagkakahuli ng kanilang kitchen laboratory, kilo-kilong shabu at salapi.

Sana may death penalty para magtanda na ang mga gago sa paggawa at pagpapakalat ng droga sa Philippines my Philippines.

Abangan.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with