^

PSN Opinyon

Hanggang kailan tayo magsasakripisyo?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKUKUBA na kaming mga motorista sa humahagibis na taas presyo ng gasolina. Naintindihan ko na mataas ang presyo ng langis sa buong mundo pero mas tumataas ito dahil dinagdagan ng tax ng gobyerno rito sa atin, at sa ganyang nararanasan ng ating bansa namumulubi na ang ating mga kababayan. Ang mahirap dito sa ating bansa ay walang pinagkukuhanan ng langis. Meron tayong­ Malampaya natural gas pero nagagamit naman sa elektrisidad. Sana naman sa ganyang kalagayan natin ay puwedeng tanggalin muna ng gobyerno ang tax sa presyo ng petrolyo, bumawi na lang kapag bumaba na ang presyo sa world market.

Noong isang linggo ako’y naglagay ng gasolina sa aking sasakyan. Nagulat ako dahil hindi ko akalain na ganon na pala kataas ang presyo. Kulang kalahati na ang nadagdag sa budget ko sa gasolina. Kaya bakas ako sa ipinaglalaban ng mga operator ng public vehicle na kailangan ng dagdagan ang pamasahe. Yan lang ang kanilang pinagkakakitaan. Pare-pareho tayong hirap mag­budget dahil lahat nagtataasan. Para naman maging­ parehas ang laban natin sa buhay kailangan natin ay give and take. Dahil ang mga drivers karamihan diyan ay may mga pamilya at anak na pinag-aaral sa pagmamaneho lang din sila umaasa.

Nung nakaraang gabi, may napanood ako sa TV na senior citizen. Naglalakad na lang siya papunta sa pa­lengke upang bumili ng NFA rice. Ininterbyu siya ng isang reporter. Ayon sa kanya kung siya raw ay sasakay pa ng dyip mababawasan pa ang pambili niya ng limang kilong NFA rice. Sa pagkakaalam ko ay limang kilong NFA rice lang ang puwedeng bilhin sa isang araw. Samakatuwid araw-araw itong naglalakad papunta sa palengke. Nakakaawa na ang taumbayan sa kasalukuyan sapagkat kuba na sa katatrabaho pero wala man lang maitabi para sa pang-emergency. Ang lahat nang ito ang dahilan kaya sumubsob ang rating ni Digong.

vuukle comment

OIL PRICE

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with