^

PSN Opinyon

Si Speaker GMA at Senator Villar, kontra plastic

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na ipagbawal na ang plastic container at plastic bags para sa environmental protection.

Korek!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bill ni GMA ay naglalayong maiwasan ang degradation of natural habitats partikular sa mga karagatan at dagat.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Senator Cynthia Villar meron siyang use single plastic bill, si GMA may prohibiting plastic container at plastic bags.

Sabi nga, para mapabilis ang pagbabawal dito siguro mas mainam kung pagsamahin iyong dalawang bills nila para sa bicameral at maging batas na.

Malaking tulong ito kapag pinahinto ang paggamit dahil walang magbabara sa mga imburnal, kanal at hindi makakakain ang mga isda sa dagat at ilog ng mga itinapong plastic doon.

Ika nga, disiplina lang ang kailangan!

Nahaharap kasi sa pagbabago ang klima ng Philippines my Philippines sabi ni GMA at walang pananagutan ang solid waste management.

‘Tignan mo sa mga palengke dumadalang ang mga nabibiling isda at napakamahal kung hindi tayo magbabago sa pagka-salaula tiyak malaking epekto ito sa madlang Pinoy,’ sabi ng kuwagong naglilinis-linisan.

Sabi nga, kailangan ilagay sa ayos ang pagbebenta, pagtatapon, paggamit ng plastic bags para hindi maging perwisyo ito sa kabuhayan ng madlang people.

Abangan.

Birds strike!

THE other day nagkaroon ng malaking problema ang isang international aircraft habang nasa ere may sakay itong 158 passengers ligtas naman silang lahat.

Ito ang istorya - ang Jestar Airways, ay nag-take off sa NAIA alas 10:30am papuntang Singapore, 10 minutes na ito sa himpapawid, tumawag ang piloto nito sa Manila Control Tower para humingi ng landing clearance para makalapag sa runway.

Sa kuento ng Manila International Airport Media Affairs Division o MIAA - MAD, ang insidente ay nangyari ng 10:40 am, nang ma-encountered nila ang ‘bird strike.’

Ang bird strike ay ang pulutong na mga malalaking ibon na hindi umiilag sa mga eroplano sa himpapawid.

Sabi nga, delikado ito dahil sa lakas ng impact ng eroplano at mga malalaking ibon puedeng magkaroon ng crack o mabasag ng huli ang windshield ng aircraft at baka magkaroon ng cabin pressure.

Nag-decision making ang piloto na ibalik ang aircraft sa NAIA dakong alas-10:55am kaya naman ang flight nito papuntang Singapore ay kinansela at ni-rescheduled na lamang.

Dapat lang!

vuukle comment

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with