^

PSN Opinyon

Magaling

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

BAGAMA’T talagang alam ng mga piloto kung ano ang gagawin tuwing malakas ang hangin sa ground o sa baba pag pa-landing sila, heto at may magagaling ding mga piloto ang PAL flight 2808 galing Davao City 3:45 p.m. noong September 15, sa kasagsagan ng landfall ng Typhoon Ompong sa Northern Luzon. 

Ilang ulit kaming dapat naglanding na at kulang na lang ay touchdown na talaga ngunit ilang ulit ding pinaakyat uli ng piloto ang eroplano hanggang na-divert kaming Iloilo. 

Hayun at dalawang oras kami sa loob ng eroplano sa Iloilo airport bago kami bumalik uli ng NAIA hanggang sa nakalapag na talaga kami pagkatapos ng may limang oras na delay. 

Hindi ko na tuloy naabutan ang aking connecting flight patungong Taipei na dapat ay 7:15 a.m. ng nasabing umaga noong September 15. Kaya nilipat naman din ako ng PAL sa 5:00 p.m. flight nila for Taipei sa araw din na ‘yon.

At doon ko natanto kung bakit kinakailangan ngang umakyat uli ang eroplano kung malakas masyado ang hangin sa ground nang dumating kaming Taoyuan Airport dakong 7:00 na ng gabi. Napakalakas ng hangin sa ground at doon ko naranasan na umaalug-alog pa mag-kabilang sides ang eroplano dahil nga sa lakas ng hangin.

Kaya saludo ako sa mga pilotong magaling at maru-nong kung ano ang gagawin pag malakas na masyado ang hangin sa grounds. Iniisip nila ang kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero nila una sa lahat.

vuukle comment

TYPHOON OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with