^

PSN Opinyon

Bawas-presyo possible ba?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY panukalang batas si Sen. Bam Aquino na kung tawagin ay “Bawas-Presyo bill”  o ang Senate Bill No. 1798. Magandang panukala pero possible ba ito? Sa panahong walang habas ang pagtaas sa halaga ng mga paninda, nalulumpo na ang taumbayan sa taas ng presyo. Tapos lalo pa itong pinatindi dahil sa pana­nalasa ng bagyong Ompong.

Marahil, kung tatanggalin ang excise tax sa petrolyo na itinatakda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, puwedeng matamo ito, ngunit panandalian lang. Sa walang patumanggang pagtaas sa halaga ng krudong langis na wala tayong control, hindi magtatagal at sisirit pa rin ang halaga ng mga pangunahing bilihin. Huwag nang sabihin pa ang pagsadsad sa halaga ng ating piso.

Pero papaanong magiging batas ang panukala ni Aquino kung naninindigan ang pamahalaan na pana­tilihin ang TRAIN law na naglalayong umilak ng mara­ming pondo para maisulong ng administrasyon ang “build, build, build program” nito.

Totoo naman na dapat kumilos ang pamahalaan para mapigilan ang pagtaas sa halaga ng mga paninda na ang nagdurusa ay ang maliliit na taumbayan. Pero hanggang umiiral ang mga bangayang pulitikal at hindi pagkakasundo, wala tayong nasisilip na paraan para mapuksa ang mabigat na problemang ito. Kapag may political instability, apektado rin ang stock market na nakauudlot sa pag-usad ng ekonomiya.

 Layon ng Bawas Presyo Bill na itigil ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan. Importante raw na maisabatas ang panukala bago ipatupad ang ikalawang round ng dagdag na excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law sa Enero 2019.

vuukle comment

BAWAS-PRESYO BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with