^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sinisira ang kalikasan at umuutang ng buhay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sinisira ang kalikasan at umuutang ng buhay

MAHIGIT 50 na ang naitatalang biktima ng pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet at 40 pa ang nawawala. Patuloy pa ang paghuhukay sa mga nata­bunan ng lupa. Ang mga biktima ay mga minero at kanilang pamilya na nakatira sa mga bunkhouse na nasa ibaba ng bundok na kanilang pinagmimi­nahan. Lumambot ang bundok dahil sa walang tigil na pag-ulan na pinalubha ng Bagyong Ompong.

Ayon sa report, illegal ang minahan sa nasabing lugar. Marami pa umanong small-scale mining doon at ipinatitigil na noon pa dahil sa pangambang gumuho. Hindi lamang umano sa Itogon maraming illegal na minahan kundi maging sa iba pang lugar sa Cordillera. Dahil sa trahedya, sinuspende na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat nang small-scale mining operations sa Cordillera.

Dapat noon pa kumilos ang DENR sa pagpapatigil sa mga illegal na minahan o mga open-pit mi­ning. Sinisira ng mga minahang ito ang kabundukan. Bubutasin nang bubutasin hanggang sa mapuno ng tubig at magkakaroon na ng erosion. Kailangan munang may mamatay bago kumilos ang DENR.

Noong si dating DENR Sec. Gina Lopez pa ang nasa puwesto, 23 minahan ang ipinasara niya sapagkat sinisira ng mga ito ang mga kabundukan at watershed areas. Sinuportahan ni President Duterte ang ginawa ni Lopez. Ang mga minahan na ipinasara ay nasa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Homonhon Island, Benguet, Bulacan at Zambales. Sabi ni Lopez nang hirangin ni Duterte noong Hulyo 2016, “I don’t like mining, the foreigners­ and the rich are the only ones benefitting from it but the farmers and the fishermen suffer.” 

Hindi na naipagpatuloy ni Lopez ang adbokasiya sapagkat ni-reject siya ng mga miyembro ng Commission on Appointment (CA). Labing-anim na senador ang bumoto para hindi siya makaupong DENR secretary. Sabi ni Lopez, makaraang ma-reject, ang interes umano sa negosyo ang nangibabaw.

Nangyari ang kinatatakutan ni Lopez sa nangyaring trahedya sa Itogon. At maaaring mangyari muli ang pagguho ng lupa kung pahihintulutan ang mga iresponsableng minahan na hukayin nang hukayin ang kabundukan. Sabi ni President Duterte, wala namang pakinabang sa minahan, hindi ito nakakatulong sa ekonomiya. Kung ganun, itigil na ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with