^

PSN Opinyon

Mga rapist ang kapitbahay

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

AYON sa Article 335 ng Revised Penal Code, ang pakiki­pagtalik sa isang babae gamit ang dahas at pananakot ay itinuturing na kasong rape o panggagahasa. Iba-iba ang sukatan ng dahas o puwersa, ito ay nakadepende sa edad, laki at lakas ng mga sangkot. Gayundin ang pananakot na depende sa pananaw ng biktima noong nangyayari ang krimen. Ipapaliwanag ito sa kaso ni Helena.

May kakulangan sa pag-iisip si Helena. Isa siyang 38 taong gulang na may pag-iisip lang ng isang 10 taong gulang na bata. Nakatira siya kasama ang mga magulang na sina Bong at Sol sa isang liblib na bayan na dikit-dikit ang tinitirahang bahay. Kilala at kasa-kasama niya sa lugar sina Dindo at Junior.

Isang gabi, bandang alas onse ay naglalakad na pauwi si Helena galing sa panonood ng parade ng mga bakla.  Nadaanan niya si Junior na nakaupo sa isang bangko at muk­hang lasing. Biglang humarang sa daraanan ni He­lena ang kapitbahay at hinatak siya papasok sa isang ina­bandonang bahay. Hinubaran siya ng damit, tinanggal ang kanyang panty at bra pagkatapos ay walang awang pinagsamantalahan ang pobre. Nang makuha ang pagka­babae ng biktima ay tumakbo na si Junior.

Ilang minuto ang nagdaan, habang nagbibihis si Helena ay siyang dating naman ni Dindo. Lasing din ang lalaki. Hinatak nito hanggang mapahiga ang biktima, hinubaran at walang awang pinagsamantalahan bago kumaripas ng takbo palayo. Nang makauwi sa bahay ay agad na sinumbong ni Helena sa mga magulang ang ginawa nina Dindo at Junior.

Nagsampa si Sol ng reklamong rape laban kina Dindo at Junior sa MTC ng bayan. Ayon sa pagsisiyasat ng korte ay may sapat na basehan para sa kaso ng rape at agad na ipinag-utos ang pag-aresto sa dalawa na walang piyansa. Sinubukan pa rin ng dalawang akusado na ipatigil ang pagsasampa ng kaso sa RTC. Pero naisampa pa rin ng piskalya ang kasong panggagahasa (rape through violence and intimidation taking advantage of night time) sa RTC.

Sa paglilitis ay nakuhang ikuwento ni Helena ang nangyari sa kabila ng kanyang kapansanan sa pag-iisip. Tumestigo rin sina Sol at Bong sa mga nangyari pagkatapos ng insidente. Si Dindo lang ang tumayong testigo para sa depensa dahil pinili ni Junior na tumahimik. Ayon kay Dindo ay malayong magkamag-anak sila ni Helena at magkasintahan daw sila. Inamin niya na nagkita sila ni Helena nang gabing nangyari ang panghahalay at dinala raw niya ang syota sa isang bakanteng bahay ng kapitbahay. Ayon pa kay Dindo, kusang sumama at nakipagtalik sa kanya ang babae.

Hindi naniwala ang RTC sa istorya ni Dindo at pareho silang hinatulan ni Junior ng reclusion perpetua para sa kasong rape. Ayon sa pagsusuri ng RTC, may pagkukulang talaga sa pag-iisip si Helena at nahihirapan na maintindihan ang mga tanong ngunit napatunayan at nakumbinsi pa rin niya ang korte na ginahasa siya nina Dindo at Junior. Ang kanyang testimonya ay suportado ng pag-uulat ng doktor bukod pa sa kabila ng sindak, takot at pangingimi ng biktima ay nagawa pa rin niyang ilahad ang nangyari. Sa kabilang banda, hindi raw kapani-paniwala ang bersyon ni Dindo na pumayag makipagtalik si Helena sa kanya. Sinang-ayunan ng Court of Appeals ang desisyon. (Itutuloy)

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with