^

PSN Opinyon

Natuto na tayo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA ako na natuto na tayo sa mga aral na ibi­ni­gay ng mga nakaraang kalamidad na sumalanta sa Pilipinas. Nakatutuwa na naging preparado ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga mitigating actions upang mabawasan ang pinsalang idinulot ng bagyong si Ompong.

Bago dumating si Ompong, iniulat na ito’y malamang maiklasipika bilang super-typhoon. Sa pamamagitan din ng panalangin ng marami nating kababayan, hindi na umabot sa kategoryang ito ang bagyo bagamat masasabing malakas pa rin at nagdulot ng malawak na pinasala sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Talagang sa bawat bagyong nagdaan, malakas man o mahina, hindi nawawalan ng mga namamatay o fatalities pero dapat na rin tayong magpasalamat sa Diyos na hindi sinlakas ng inaasahan ang dumating na bagyo sa bansa na ngayon nama’y naghahasik ng lagim sa Hongkong habang sinusulat ang kolum na ito. Kung ihaham­bing  sa mga mala-dambuhalang bagyo na dinanas ng bansa gaya ng Yolanda at Ondoy, matatawag natin itong wala sa kalingkingan.

Nakatutuwa na nakita natin ang pagsasanib-lakas ng bawat ahensya ng pamahalaan matapos pauwiin ni Presidente Duterte ang mga opisyal ng gobyerno sa kani-kanilang lalawigan upang mangasiwa sa mga dapat gawin dahil sa bagyo.

Isang katotohanan ang nakita natin. Talagang iba na ang klima ngayon dulot ng climate change. Ito’y isang maselang sitwasyon na hindi na maibabalik sa dati pero puwede pang pigilin ang mabilis na paglubha kung magiging responsible tayo sa pangangalaga sa kalikasan. Hindi naman mahirap basta’t maingat tayo sa pagtatapon ng ating mga basura at pag-regulate sa kinukonsumo nating gatong sa ating mga sasakyan na nagbubunga ng usok na sumisira sa ating ozone layer. Gawin natin ito hindi lang para sa atin kundi sa ating magiging mga anak sa hinaharap.

vuukle comment

TYPHOON OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with