^

PSN Opinyon

Evacuation centers

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

SA pagdating ng Bagyong Ompong, muling napag-usapan ang tungkol sa pangangailangan ng evacuation centers na kung saan patutungo ang libu-libong residenteng maaapektuhan nang malalakas na bagyo gaya ng Ompong.

Ngunit ang pangangailangan ng evacuation centers ay hindi lang naman tuwing may bagyo o anong natural disasters gaya ng pagbaha o di kaya’y lindol.

Dito naman sa Mindanao, ang pangangailangan ng evacuation centers ay tuwing may giyera sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at grupo ng mga rebelde mapa-New People’s Army, Moro islamic Libera­tion Front (MILF) o ang renegade faction ng Moro National Liberation Front, Abu Sayyaf extremist group o mga ban­dido man.

At kinakailangan din ang evacuation centers tuwing may sunog lalo na sa informal settlers na area. 

At ang masaklap nito, nakaugalian na nating mga Pinoy na ang ginagamit ay ang mga silid paaralan lalo na ng mga public schools na ginagawang evacuation centers pag ang isang locality ay walang gym.

Ang paggamit ng mga silid paaralan bilang evacuation centers ay masyado nang nakaaapekto sa pag-aaral ng kabataan lalo na kung pagmatagalan pa ang pamamalagi ng evacuees sa silid paaralan nila.

Kaya sana naman, ang gawin ng pamahalaan ay magtayo ng concrete evacuation centers talaga na ganun lang ang purpose na kung saan, puwedeng takbuhan ng mga residente sa panahon ng sakuna o anong disaster. 

Sana naman, huwag nang gawing evacuation centers ang mga paaralan para na rin sa kapakanan ng mga kabataan na kinabukasan ng ating bayan.  

vuukle comment

EVACUATION CENTERS

TYPHOON OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with