^

PSN Opinyon

Digong, asikasuhin mo naman ang ekonomiya

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAAWA ka naman sa taumbayan na durog na durog na sa taas ng mga pangunahing presyo ng bilihin. Nakalulungkot lang dahil sunud-sunod na kamalasan ang nararanasan natin ngayon. Ito at binayo na tayo ng Bagyong Ompong saan na kaya pupulutin ang mga kapatid nating­ mahihirap. Pila ang ating kababayan dahil hindi sila makapagtrabaho lalo na yung mga sinalanta ng bagyo. Oo nga’t may mga natatanggap na relief goods pero hindi naman pangmatagalan ilang araw lang ang aabutin lalo na yung pamilyang maraming anak.

Ito kasing si Pres. Digong Duterte masyadong naka­tuon ang pansin kay Sen. Antonio Trillanes at mukhang nakalimutan na ang problema ng ating bansa. Huwag iasa sa kanyang Gabinete ang bansa dahil kahit na sabihin nating mga intelehente ang mga ‘yan kung kulang naman sa abiso ng nakakataas sa kanila ay balewala rin. Pakinggan mo naman ang hinaing ng taumbayan. Pagtu­unan naman ng pansin ang nagtataasang presyo­ ng bilihin. Gasgas na ang lalamunan ng ating mga kababayan sa kasisigaw na sila’y bigyan naman ng pansin. Kalimu­tan na muna ang pulitika unahin ang kumakalam na sikmura.

Unahin ang sadsad na ekonomiya. Pakilusin ang eco­­nomic managers sapagkat hindi na biro ang nagaganap ngayon sa ating bansa. Pigilan ang patuloy na pagsad­sad ng piso. Isa ako sa mga nadismaya sa one on one interview ni Salvador Panelo kay President Digong. Imbes na talakayin ang problema ng ating bansa puro patutsada kay Trillanes ang sinabi. Tila nababahag ang buntot ng Presidente samantalang kung ikukumpara sa kanya si Trillanes ay palito lang ito. Pati si US Pres. Donald­ Trump ay binanggit ni President Digong kahit wala naman itong kinalaman sa problema ng ating bansa.

vuukle comment

TYPHOON OMPONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with