^

PSN Opinyon

Ninakawan na ginahasa pa

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

KUMBINSIDO ang mga pulis na ang grupong “Sais Pares” ang nanloob sa bahay ng mag-asawa. Katuna­yan, marami na palang bahay na ninakawan ang grupo sa lugar na iyon. Natunton ng mga pulis ang pinagtataguan ng grupo at nahuli sina Anton, Gino, Jano, MJ, Lino at Luisito. Dinakip sila ng mga pulis at nagsagawa ng imbestigasyon. May mga nakuha rin na gamit na ninakaw mula sa bahay ng mag-asawa. Nakilala ang mga miyem­bro ng grupo sa pangunguna ni Gino na positibong iti­nuro ni Sarah na gumahasa sa kanya. Kinasuhan sila ng robbery at rape.

Sa paglilitis, itinuro ni Sarah ang anim na siyang pumasok at nanloob sa kanila. Sinalaysay niya ang naging papel ng bawat isa sa pagnanakaw lalo na ang ginawang pagsasamantala ni Gino sa kanya at kung paano nilimas ng mga ito ang lahat ng kanilang mahahalagang gamit.

Sabi naman ng mga akusado, nasa ibang lugar sila. Sila raw ay natutulog, nagtatrabaho sa plantasyon o kaya ay nag-iinuman kasama ang ibang kaibigan habang nang­yayari ang krimen. Hindi nakumbinsi ang korte at hina­tulan sila ng reclusion perpetua base sa akusasyon ng mga biktima. Pinababayaran din sa kanila ang mga gamit na ninakaw pati danyos sa lahat ng nangyari.

Nang umapela sa Supreme Court, kinatwiran ng grupo na imposibleng nagkaroon ng sapat na panahon si Sarah na makita at makilala silang lahat. Ang tanging ilaw daw sa kuwarto ay isang bumbilyang 25 watts na agad din pinatay. Isang flashlight lamang daw ang pinanggagalingan ng liwanag kaya imposible silang makilala ni Sarah.

Ibinasura ng SC ang kanilang apela, ang pasya ng mababang hukuman na tama ang testimonya ni Sarah ay higit na paninaniniwalaan ng korte dahil ito ang sumuri at nakakilala sa mga testigo. Binibigyang halaga ito maliban na lang kung may ebidensiyang hindi nakunsidera na maaaring magpabago sa hatol. Walang ganitong ebidensiya na naipakita na puwedeng magpabaliktad sa naging desisyon ng mababang hukuman. Idagdag pa na malinaw at maayos namang nailahad ni Sarah ang masaklap niyang sinapit sa kabila ng matinding pag-iyak. Malinaw niyang naikuwento kung ano ang naging partisipasyon ng bawat isa sa mga magnanakaw. Dineklara rin ng korte na sapat na rin ang liwanag na mula sa ilaw ng flashlight para makilala niya ang mga akusado. Pipilitin ng biktima na tandaan ang mga mukha na sumalbahe sa kanila lalo na ang mukha ni Gino na umpisa pa lang ng pagnanakaw ay umiral na ang kamanyakan at paulit-ulit siyang pinagsamantalahan.

Pero ayon sa korte, si Gino lang ang dapat magdusa sa krimeng rape. Ang sabwatan nila ay tungkol sa pagnanakaw lang, walang ebidensiya na alam nila ang tungkol sa paghahangad ni Gino sa babae at ang ginawa nitong pagsasamantala sa biktima. Kung alam daw ng mga ito ay baka napigilan pa nila si Gino. Hindi naman puwedeng pagdusahan ng iba ang parusa sa rape dahil hindi nila alam at hindi naman napatunayan na kinunsinti nila ito. Si Gino lang ang dapat magdusa ng reclusion perpetua samantalang ang iba ay dapat makulong mula apat na taon, dalawang buwan hanggang 10 taon lang (People vs. Canturia, et. al., G.R. 108490, June 22, 1995).

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with