^

PSN Opinyon

Aarestuhin ba o hindi?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa rin lalabas mula sa bulwagan ng Senado si Sen. Antonio Trillanes. Kasi raw, may namataang mga tauhan militar sa labas na nag-aabang na malamang na aaresto sa kanya.

Naunang tinanggihan ng Korte Suprema ang hirit ni Trillanes na TRO sa atas ng Pangulo na nagdedeklarang walang bisa sa amnestiyang ibinigay ni Presidente Aquino. Sinabi ng Mataas na Korte na kinikilala nito ang pahayag ng Pangulong Duterte na hindi aarestuhin ang Senador habang hindi nagpapalabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court kaya hindi na nagpalabas ng TRO. Kinukuwestyon kasi sa mababang korte ang lega­lidad ng inilabas na Proclamation 572 ng Pangulo at ito’y isang bagay na ayaw saklawan ng Mataas na hukuman.

Kung hayagang kinikilala ng Korte ang pahayag ng Pangulo, ang anumang pag-aresto kay Trillanes ay  hayagang pag-insulto ng Ehekutibo sa poder ng Hudikatura. Kaya hindi ako naniniwala na ipaaaresto ng Pa­ngulo si Trillanes. Personal na ring siniguro ng Pangulo na hindi siya interesadong ipaaresto ang Senador.

Kamakalawa, may pahayag si Trillanes sa isang pana­yam ng media. Aniya, uuwi na siya kahit pa siya arestuhin. At tama ang Senador, kung siya ay huhulihin, lalabas ang maitim na kulay ng administrasyon na hantarang sumasalungat sa isang co-equal branch, ang Korte Suprema.

At kung mangyayari ang ganyang pag-aresto nang walang warrant, peligrosong mag-aklas ang taumbayan at magtipon sa kalye upang magprotesta laban sa mala-diktaduryang pamamahala ng Pangulo.

Nagbago ang isip ni Trillanes sa payo ng kanyang mga legal counsel. Hindi na muna siya uuwi. Akala ko pa naman, tototohanin niya ang sinabing uuwi na siya arestuhin man siya o hindi.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with