^

PSN Opinyon

Presidential paranoia

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MISMONG si Presidente Duterte ang nagsasabing may mga binubuong balak, hindi lamang para siya patalsi­kin sa puwesto kundi para patayin siya. Malaking kapra­­ni­ngan ito.

Para sa akin, hindi dapat maghinala nang ganoon ang Pangulo bagamat normal lamang sa isang Presidente na magkaroon ng mahigpit na siguridad sa ilalim ng umiiral na demokratikong pamahalaan.

Kung ang batayan ng kanyang suspetsa ay ang mga pagbatikos sa kanya ng oposisyon tulad ni Sen. Trillanes, Wala namang Pangulo ng bansa ang hindi nakatikim ng pagtuligsa sa oposisyon. Pananagutan ng oposisyon na pumuna para magkaroon ng check and balance sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Kahit si US Pre­sident Trump ay mahigpit na tinutuligsa ng kanyang mga kalaban sa politika, pero iyan ang esensya ng demokrasya sa malayang bansa.

Tulad nga ng sinabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano na isa rin sa mga mahigpit na detractors ng Pangulo, ang pagi­ging kritiko ng administrasyon ay hindi nanga­ngahu­lugan nang pakikipagsabwatan sa mga grupong nagbabalak ng masama sa administrasyon. Hindi naman umi­iral ang diktadurya sa ating bansa, at alam ko na ang pag­papanumbalik ng ganitong sistema na matagal na nating isinuka ay hindi na natin papayagang magbalik.

Mayroon nga bang destabilization na nagaganap sa ating bansa? Kung mayroon man, walang nagpapa­simuno nito kundi mismong ang Pangulo at ang kanyang estilo ng pamamahala.

Kung hindi man produkto ng imahinasyon at kapra­ni­ngan ni Pangulong Duterte ang sinasabing ouster plot, baka ito’y estratehiya lamang para mabigyan ng hustipikas­yon ang paggamit niya ng emergency power o pagdedeklara ng martial law. Kahit mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagsasabi na walang basehan ang sinasabi ng Pangulo na planong patalsikin siya.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with