^

PSN Opinyon

Mas mahalaga

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA Setyembre 11 pa hahawakan ni Supreme Court Asso­ciate Justice Diosdado Peralta ang petisyon ni Sen. Antonio Trillanes na ibasura ang pagbawi ni President Rodrigo Duterte sa kanyang amnestiya. Doon pa lang malalaman kung mabibigyan ang Senador ng Temporary Restraining Order (TRO), para makalabas na muna sa Senado. Ilang araw na siya nasa Senado para hindi maaresto ng mga sundalo at pulis na nag-aabang sa kanya, batay sa utos ni Duterte. Binatikos nang marami ang kilos na ito na labag sa Konstistusyon, dahil wala raw kapangyarihan ang Presidente na maglabas ng warrant of arrest. Ang mga korte lang daw ang puwedeng gumawa niyan.

Kaya dalawang korte na nga ang hinihingan ng DOJ ng warrant of arrest para kay Trillanes. Malinaw na langit at lupa ang binubulabog ng administrasyon, para mapakulong lang si Trillanes. Ganito kumilos ang gobyerno laban sa mga kritiko ni Duterte. Samantalang napakaraming problema ang hinaharap ng bansa, tulad ng mataas na bilihin, mataas na inflation, kakulangan ng bigas at mataas na palit ng dolyar. Nakailang pagtaas ng presyo na rin ng gasolina at diesel.

Pati ang pagpasok ng higit P6 bilyong halaga ng shabu sa bansa ay tila hindi mahalaga. Ibinasura ng korte sa Valenzuela ang mga kaso laban sa lahat ng sangkot sa nasabing kontrabando. “Forum shopping” ang dahilan ng desisyon. Hindi raw dapat nagsasampa ng kaso sa iba’t-ibang korte. Bagama’t iaapela ang nasabing desis­yon sa mas mataas na korte, tila hindi seryoso na habulin at mapakulong ang mga nasa likod nitong napakala­king halaga ng iligal na droga. 

Sana naman tinututukan ng administrasyon ang mga problema ng bansa. Ayon kay Rep. Joey Salceda, halos walang ginawa ang gobyerno para tugunan ang mataas na inflation. Si Salceda ang dating ekonomista ni Gloria Arroyo. Dapat daw tutukan ang mga pangunahing bilihin ng tao, ang palit ng piso at langis. Pero mukhang mas mahalaga nga sa gobyerno ngayon ang mapakulong si Trillanes. Mas diyan sila kumikilos ngayon.  

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with