^

PSN Opinyon

Palpak na payo kay Pres. Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAPAKALAKING kapalpakan na maaaring magdala ng kahihiyan kay Presidente Duterte ang payo na pawalang bisa ang amnestiya ni Senador Trillanes. Sino kaya ang nagpayo nito? Posibleng si Solgen Jose Calida kahit panay ang tanggi niya na may kinalaman siya rito.

Tiyak ko na hindi ito personal na ideya ng Pangulo. May nagsubo lamang sa kanya ng ideya. Siyempre, walang ma­gagawa ang mga legal expert na nasa kampo ng Pa­ngulo kundi sang-ayunan ang pagpapalabas ng Pa­ngulo ng proklamasyon na nagdedeklarang walang bisa ang amnestiyang iginawad kay Trillanes ni dating Presidente­ Aquino. Ngunit halos lahat ng mga indipindiyenteng legal experts ay naghayag na wala sa hulog ang desisyong buhayin ang mga kaso laban kay Trillanes.

Iyan ang masaklap na katotohanan sa politika. Pala­ging naghahanap ng paraan para magantihan ang mga kalabang kumakalaban sa isang pulitiko. Sabi nga ni Caloocan Rep. Edgar Erice, kung sino man ang nagbigay ng palsong advice sa Pangulo ay dapat magbitiw sa tung­kulin.

Mantakin mo naman na matagal nang kumalas sa militar si Trillanes at nahalal na ngang Senador. Sa kabila nito, mabilis na bumuo ang militar ng military tribunal at ibabalik daw sa military active status si Trillanes para litisin dito.

Sa tingin ko, epektibong napatunayan ni Trillanes sa unang araw pa lamang nang ipalabas ng Malacañang ang proklamasyon na nakatalima siya sa lahat ng requirements para mapagkalooban ng amnestiya. Isa pa, ang lahat ng mga kaso laban sa kanya ay idinismis na ng hukuman at ang ano mang tangkang pagbuhay sa mga kasong ito ay magiging labag sa batas.

Kunsabagay, si Duterte ang Pangulo at hawak niya ang renda ng absolutong kapangyarihan. Asahan natin ang malamang na pagkatig sa kanya ng iba pang institusyon ng pamahalaan Huwag naman sana siyang kampihan ng hudikatura dahil kung magkagayon, nasaan na ang demokrasya at hustisya?

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with