^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa tetano dahil nakamamatay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG tetano ay isang impeksiyon na umaatake sa nerves ng tao. Nagmula ito sa bacteria na clostridium tetani. Makikita ang bacteria sa lupa at maruruming lugar.

Pumapasok ang bacteria sa loob ng katawan sa pamamagitan ng sugat. Kung mas malaki at marumi ang sugat, mas mataas ang tsansa ng tetano.

Dahil dito, kahit anong sugat ay dapat linisin agad para hindi pasukan ng bacteria. Ang sintomas ng tetano ay lagnat, paninigas ng bibig at mga masel sa leeg. Nahi­hirapan silang lumunok at naninigas din ang tiyan at kata­wan. Madali rin silang masilaw at maingayan.

Kapag nagkaroon ng sintomas, mahirap na itong gamutin. Puwede itong umabot sa hirap ng paghinga at pagkamatay. Kaya kailangang dalhin agad sa ospital.

Tandaan: “Huwag kang pasaway, dahil tetano ay naka­mamatay.” Mas madali po sana ang pag-iwas sa tetano kaysa sa paggamot nito. Hanggang sa ngayon, wala pang tiyak na lunas sa tetano.

Sundin ang mga payong ito:

1. Huwag balewalain ang paso at sugat kahit gaano man ito kaliit. Lalo na ang mga sugat mula sa paputok, pagkabaril, aksidente at maruming bakal at bagay.

2. Bilang pangunahing lunas, hugasan ang sugat ng sabon at malinis na tubig. Kapag marumi ang sugat, pumunta sa doktor para malinis itong maigi.

3. Pumunta agad sa health center o ospital para ma­­bigyan ng bakuna kontra tetano. Nagbibigay din ang doktor ng antibiotic para mabawasan ang iba pang mikrobyo.

4. Kung wala pa kayong bakuna sa tetano, puwede nang magpabakuna laban dito kahit wala pang sugat. Binibigay ang booster dose (o dagdag bakuna) bawat 10 taon.

5. Maging malinis sa katawan. Sugat ay ingatan at huwag balewalain. Kumunsulta agad sa doktor.

vuukle comment

CLOSTRIDIUM TETANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with