^

PSN Opinyon

First in history!

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI ng maraming legal experts, ang amnestiyang igi­­nawad ng Pangulo ay hindi puwedeng pawalang bisa ng susunod na Pangulo. Dumarami yata ang mga “first in history” na ginagawa ng administrasyong ito. Nauna rito ang pagpapatalsik sa isang impeachable official tulad ni dating Chief Justice Ma. Lourdes Serreno sa pamamagitan ng “co-warranto petition.”

Iyan ang mismong ginawa ni Presidente Duterte sa amnestiyang ibinigay ni Presidente Aquino kay Senador Antonio Trillanes na noong araw ay nadawit sa kasong rebelyon. Nasa balita na sa radyo, telebisyon at pahayagan ang pangyayaring ito. Nakapaloob ang revocation ng amnestiya ni Trillanes sa Proclamation 572.

Ano kaya ang basehan? Sinasabi ng kampo ng Pa­ngulo na kulang ang mga requirements na iniharap ni Trillanes noon para mapagkalooban ng amnestiya. Wala raw pormal na kahilingan ang Senador para gawaran ng amnestiya. Kailangan daw, nagsagawa ng pag-amin si Trillanes sa pagkakasalang nagawa niya at ng kanyang mga kasamahan sa tinatawag na “Oakwood Mutiny.”

Gayunman, ibinasura na rin ng korte ang mga kasong isinampa laban kay Trillanes at kanyang mga kasamahan kaya kahit hindi ka abogado, sentido kumon ang magsasabi na hindi na puwedeng buhayin ang kasong dinismis na.

Habang isinusulat ang kolum na ito, may mga ope­ratiba na ang PNP-CIDG sa labas ng Senado para arestuhin si Trillanes kahit wala pang arrest warrant.

Ngunit tiniyak naman ng Senado na hindi nila isusuko si Trillanes habang to ay nasa loob ng Senado.

Napapaisip tuloy ako, ano kaya kung sa umpisa pa lang ay nagsimula nang kumampi sa administras­yon si Trillanes at hindi naging mahigpit na kritiko ni Duterte, sapitin kaya niya ang ganitong situwasyon? Siguradong hindi. Iyan ang malupit na katotohanan sa pulitika, kahit pa sabihin ni Spokesman Harry Roque na walang halong politika ang ginawa ng Pangulo.

vuukle comment

MA. LOURDES SERRENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with