^

PSN Opinyon

‘Ayaw tanggaping limot na siya…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MASAKIT tanggapin para sa isang sikat na indibidwal ang marinig na “lumubog na ang araw” sa kanyang mina­mahal na propesyon.

May tawag dito, sa salitang Ingles, “denial syndrome”. Nangyayari ito sa mga taong napag-iiwanan, hindi niya napansin na ang kaniyang mga taga-tangkilik ay tuma­tanda na rin. Nag-iba na ang kanilang interes, sumasabay sa takbo ng panahon.

Yung mga kasabayan nitong taong may “denial syn­drome”, naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng “gro­wing old gracefully with wisdom”.

Sila ‘yung maituturing na mga “alamat” sa kanilang larangan. Ginagalang, tinitingala, hinahangaan at pinagkakatiwalaan sa kanilang propesyon.

Samantala itong taong limot na, ayaw tanggapin ang katotohanan, nalalagay tuloy sa estado ng pagiging desperado. Desperado sa kanyang pag-iisip, desperado sa kanyang pinaggagawa kaya sunud-sunod na ang kanyang mga kapalpakan.

Sa kanyang pagiging desperado, nasobrahan ang kanyang pagiging trying hard. Kaya tuloy malimit ma­lagay sa sentro ng kontrobersiya. Kung kelan pa tumanda­, saka pa nagkasunud-sunod ang kapalpakan.

Patuloy ang pambabatikos (bashing) sa kanya sa social media. Sa kagustuhan niyang pantayan ang kaniyang mga nakababatang kapatid na namayagpag sa telebisyon, radio, social media at YouTube.

Kung anu-ano na lang ang nilalathala ng taong ito sa kanyang lingguhang pitak sa isang malaking diyaryo. Kung anu-ano na lang ang mga pinagsusulat at mga banat.

Maging sa kanyang social media account, banat nang banat kaliwa’t kanan, makatawag lang ng pansin sa pag-aakalang manunumbalik ang kanyang kasikatan noong dekada nobenta pa.

Kinakailangan nang pag-unawa, awa at pag-intindi sa taong ito. Ang problema, hindi niya pinakikinggan ang kanyang mga nakababatang kapatid, kaanak at mismong mga anak, ayaw niyang paawat. Aniya, “nag-e-enjoy ako sa aking mga ginagawa.”

Kailan kaya matatauhan ang taong ito bago pa tuluyang masira ang kanyang pangalang ipinagmamalaki na pinaghirapan niya raw itatag simula dekada sitenta? Halos limang dekada na ang nakalipas.

Ganito rin ang nangyayari sa mga sikat na artista noon na palaos na ngayon. Namihasa na sila’y iniidolo’t hinahangaan. Ang hindi nila naintindihan at napaghandaan, “ang lahat ng bagay sa bawat larangan ay may katapusan, may kanya-kanyang panahon.”

vuukle comment

DENIAL SYN­DROME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with