^

PSN Opinyon

Ang epekto ng high power cost

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang perhuwisyo sa taumbayan ang tumataas na presyo ng kuryente. Pinababagal din nito ang implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan. Nakababahala lalu pa’t inaapura ng gobyerno ang “Build, build, build” project nito. Nababahala ang mga power companies porke lumolobo ang ipinupuhunan nila  sa pagtatayo ng mga power plants sa bansa.

Apektado diyan ang supply ng kuryente sa mga darating na taon. Nakabitin ang maraming proyekto ng mga power generating companies, kasi hinihintay ang pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa mga power supply agreement (PSA) ng mga ito. Buma­bagsak din ang value ng piso kontra sa dolyar. Mainam iyan sa mga dolyar ang kinikita, pero magbubunga iyan ng pagtaas sa halaga ng puhunan sa paggawa ng mga bagong planta ng kuryente. Isipin pang luma na at dapat palitan ang mga planta ng kuryenteng gumagana sa bansa. Humigit-kumulang sa 60% ng mga ito ang may edad na 15 taon pataas.

 Ayon sa Department of Energy (DOE), ang total demand ng bansa noong 2017 ay 13,789 MW. Mas mataas ito ng 517 MW o 3.9% kumpara sa kabuuang demand noong 2016 na nasa 13,272 MW lamang. Tumaas naman ng 6.1% ang kabuuang supply. Mula sa 21,425 MW noon 2016, ito ay tumaas sa 22,730 MW noong 2017. Anang DOE, kailangan ng karagdagang 43,765 MW hanggang 2040 upang siguradong masabayan ang tumataas na demand ng kuryente sa bansa. Paano ito matutugunan kung hindi madaragdagan ang mga planta ng kuryente?

Ang proseso bago makapagtayo ng planta ay ina­abot ng dalawang taon sa pagaasikaso ng mga permit at lisensya puwera pa ang paghihintay na maaprubahan ang isang PSA. Tapos, tatlo hanggang apat na taon ang gugugulin sa pagtatayo nito. Sa kabuuan, inaabot ng anim hanggang pitong taon ang proseso para lamang makapagtayo ng planta ng kuryente. Ang tanging solusyon dito ay paigsiin ng proseso. Kung hindi, mangungulelat na tayo sa ating mga kapit-bansa sa Asia sa pag-unlad.

vuukle comment

ENERGY REGULATORY COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with