^

PSN Opinyon

Regalo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DAPAT naman daw may silbi ang pagpunta sa ibang bansa. Ito ang pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, sa pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte na isasama niya sa Israel ang ilang mga opisyal ng militar at pulis na malapit na magretiro, bilang “regalo” para sa kanilang mabuting serbisyo sa bansa. Ang opisyal na biyahe ng Presidente ay dapat may silbi, hindi lang para magdala ng mga magreretiro na mula sa serbisyo.

At serbisyo nga naman ang dapat ibinibigay ng mga nasa militar at pulisya. Ayon kay Lacson, kasama na sa mandato ng mga pulis at militar ang mabuting serbisyo. Kapag mas higit pa ang ibinibigay na serbisyo, dito na pumapasok ang mga parangal tulad ng medalya at promosyon. Patuloy na ipinakikita ni Duterte ang kanyang pagpapabor sa militar at pulis. Maraming nasa gobyerno na ilang taon na ring mabuti ang serbisyo. Pasensya na lang at hindi sila militar o pulis.

At hindi maiiwasang ihambing sa “Euro Generals” noong administrasyong Arroyo, na ngayon ay Speaker of the House na at kaalyado ni Duterte. Mga heneral na binigyan ng bakasyon at pabaon dahil magreretiro na. Sagot daw ng Palasyo ang biyahe ng mga pulis at militar, dahil nasa aktibong serbisyo pa naman. May pabaon din kaya? Depensa pa ng Palasyo ay may mapupulot pa naman ang mga sasama sa pangulo mula sa mga katapat nila sa Israel, partikular sa counter-terrorism at extremism. Karaniwan na sa Israel ang pakikitungo sa terorismo at panatikong-militante. Kung ganun, bakit hindi mga militar at pulis na matagal pang magreretiro, para mas marami silang maturuan at mapasahan ng impormasyon, teknolohiya at pamamaraan kontra terorismo?

Sinabi na ng Presidente na “regalo” ito para sa kanila. Tapos ang usapan. Huwag nang ipagtanggol at nandyan na. Huwag nang ipagtanggol na may silbi ang kanilang pagsama sa pangulo. Mas may silbi kung mga matagal pang aktibo sa serbisyo ang sasama. Ito malamang ang tinutukoy ni Lacson. Baka naaalala rin niya ang “Euro Generals”.

vuukle comment

PANFILO LACSON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with