^

PSN Opinyon

Nagpaparamdam ang mga terorista

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SA mga nangyayaring pagsabog na nararanasan sa Mindanao mukhang nagpapalakas ng puwersa ang mga terorista. Baka nagbabalak na namang maghasik ng kaguluhan. Kaya dapat iwasang magpatulug-tulog sa pansitan ang mga kawal ng gobyerno. Kita n’yo naman nalusutan kayo ng mga kalaban. Akala ko pag sinabing martial law, batas militar ang gumagana. Mukhang malamya yata ang mga nagpapatupad ng martial law sa Mindanao.  Anong silbi ng mga check points n’yo?  Bakit marami pa rin ang nakakalusot na bomba sa inyo?

Kaawa-awa naman ang mga kababayan natin sa Mindanao. Halos isang buwan pa lamang ang lumipas ng magpasabog sa isang van sa Lamitan, Basilan at ngayon ginulantang naman ang mga tao habang ginugunita ang kapistahan sa Isulan, Sultan Kudarat.  Ibig sabihin kalat ang mga terorista ngayon sa Mindanao. Kung hindi magiging alerto ang mga militar at pulis diyan may mga lugar pa yan silang papasabugin kaya maging aral na sana sa kanila ang dalawang beses silang nalusutan ng mga terorista.

Kaya ayan nakakita na naman ng butas ang gobyerno upang palawigin ang martial law sa Mindanao. Para sa akin hindi masama di ba? Kung maaalala n’yo under martial law ngayon ang Mindanao. Wala namang naagrabyadong mamamayan. Di naman katulad ng martial law sa ilalim ni diktador Ferdinand Marcos.  Mas nakakatakot na ang ginagawang pagpapasabog ng mga terorista kaysa sa ipinapatupad na martial law sa ngayon. Gusto lang ng gobyerno maging maayos at ligtas ang ating mga kababayan.

Sana naman ang mga over acting na mambabatas ay ipaubaya n’yo na sa gobyerno ang desisyon,  dahil mismong mga kababayan natin doon ay gusto ng mapayapang pamumuhay.  Ang mga kontrabida lang naman diyan ay galing sa Luzon at Visayas. Kayo kaya ang tumira sa mga lugar na pinasasabugan.

vuukle comment

TERRORISTS IN MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with