^

PSN Opinyon

Kasuhan, imbes na paratangan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TOTOO man o hindi ang akusasyon, ang paratangan ang isang tao nang masama sa publiko sa halip na idemanda sa korte ay hindi tama. Ang tinutukoy ko ay ang lan­tarang pag-akusa mismo ni Presidente Duterte na ang bayaw ni Vice President Leni Robredo ang nagpapasok ng bawal na droga sa Naga kaya ito naging “hotbed” ng shabu.

Ang akusasyong ito ay ikinagalit at iprinotesta ng mga taga-Naga. Mariin namang pinasinungalingan ito ni Robredo na nagsabing ito’y paninira lang sa kanyang pag­katao.

Hindi ko sinasabing totoo o kasinungalingan ang aku­sasyon ng Pangulo. Ang pinupunto ko ay ang kawalang-hustisya ng ganyang uri ng mga pahayag na nakasisira sa pagkatao ng inaakusahan. Kung may maliliit na anak na nag-aaral ang isang inaakusahan, pati ang mga ito’y mapapahiya sa harap ng kanilang mga guro at kamag-aral. It is simply unjust and insensitive.

Kasi, ang ano mang iparatang ng Pangulo sa harap ng publiko ay sapat na sapat para wasakin ang karakter ng isang taong hindi pa nalilitis o nasisiyasat sa mga paratang na ipinupukol sa kanya.

Kailangan, kung may matibay na ebidensya na magdidiin sa inaakusahan, idaan ito sa proseso. Ipagharap ng karampatang demanda bago husgahan sa publiko.

Kung minsan, may mga dumudulog sa akin na ibig ipa­lathala ang isang tao na umano’y ginawan sila ng masama. Tatanungin ko muna sila, nakapagsampa na ba kayo ng demanda? Kung hindi, hindi ko puwedeng ilathala dahil madedemanda ako ng libelo. Kahit ang media ay hindi ubrang mag-akusa nang walang ebidensya  lalu pa’t wala pang pormal na reklamong naihaharap sa kinauukulang mga ahensya. Simple ethics.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with